Ubiquinone
GlaxoSmithKline | Ubiquinone (Medication)
Desc:
Ang Ubiquinone, na tinatawag din na Coenzyme Q-10, ay isang coenzyme na natural na ginagawa ng katawan. Ang Ubiquinone ay ginagamit sa congestive heart failure, sakit sa gilagid at type 2 na dyabetis. Ginagamit din itong pamalit sa mabababang lebel ng ubiquinone na sanhi ng paginom ng mga ibang gamot para sa kolesterol. Ang Coenzyme Q10 ay isang sangkap ng normal na ginagawa ng iyong katawan. Ginagamit ito ng iyong katawan upang mapanatili ang pagiging malusog nito. May ibang produkto ng mga halamang gamot/suplemento ang nakitaan na nagtatagalay ng mga posibleng masasamang sangkap. ...
Side Effect:
Ang produktong ito ay karaniwang may kaunting epekto. Pagduduwal, pagkawala ng gana sa pagkain, pagkasira ng tiyan, o pagtatae ay maaaring malimit na maranasan. Kung patuloy na makakaranas o lumala ang alinman sa mga nabanggit na epekto, ipaalam agad sa iyong Doktor. Bihira ang pagkakaroon ng alerhiya sa produktong ito ngunit humingi ng agarang medikal na atensyon kung mapapansin ang pagkakaron ng sumusunod na sintomas ng seryosong alerhiya sa gamot: pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamuna), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Ipaalam sa iyong Doktor kung ikaw ay mayroon ng kahit anong uri na alerhiya bago gumamit ng gamot na ito. Ipaalam sa iyong Doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang gamot at ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kundisyon: sakit sa bato, colitis, problema sa tiyan. Kung mayroon ng mga sumusunod na sakit, kumonsulta sa iyong Doktor o Parmasyutiko bago gamitin ang produktong ito: dyabetis, sakit sa puso. Anyong tubig , tableta, o anyong nalulusaw ng produktong ito ay maaaring magtaglay ng asukal, alkohol o aspartame. Pinapayuhang mag-ingat ang mga mayroong dyabetis, pag-asa sa alkohol, sakit sa atay, phenylketonuria (PKU) o iba pang mga kundisyon na nangangailangang limitahan/iwasan mo ang ganitong mga susbtansya. Hindi nirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito sa mga buntis o nagpapasuso ng walang payo ng Doktor. ...