Xaparin
Sanofi-Aventis | Xaparin (Medication)
Desc:
Ang Xaparin/enoxaparin ay ginagamit upang mapigilan ang pangalawang atake sa puso at ang mga komplikasyon matapos ang unang atake sa puso, ang upang maiwasan ang pagbabara ng dugo sa mga ugat sa puso. Ang Xaparin ay ginagamit upang maiwasan ang deep vein thrombosis o pagbabara ng dugo sa malalim na mga ugat ng katawan, matapos ang abdominal, hip replacement, o knee replacement, at sa mga pasyenteng hirap sa pagkilos dahil sa sakit. Ang gamot na ito ay sa pamaamgitan ng pagturok ng iniksyon sa ilalim ng balat (pang-ilalim ng balat). ...
Side Effect:
Ang mga karaniwang masamang epekto ng gamot na ito ay: bahagyang pagkairita, sakit, hematoma, pamamsa, at pamumula ng balat ang maaaring maranasan sa parte kung saan tinurukan ng iniksyon. Maaari ring magkaroon ng malalang reaksyon. Hindi gaanong karaniwang mangyari na ang enoxaparin ay magdulot ng hindi normal na liver tests sa dugo, na maaaring maging sanhi ng bahagyang pinsala sa atay, at ang pagbabawas ng platelets sa dugo at sa mga pulang selula ng dugo. Ang pinaka pangkaraniwang hindi magandang epekto na nauugnay sa enoxaparin ay pagdurugo. Ang pagkakaroon ng lagnat, pagduduwal, pagtatae at pamamanas ay pangkaraniwan. ...
Precaution:
Bago gumamit ng Xaparin sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo na kung: may artipisyal na mga balbula sa puso, malalang sakit sa bato, sakit sa atay, pagdurugo o sakit sa dugo (hal. mababang bilang ng mga platelet), mababang bilang ng platelet matapos ang heparin treatment, stroke, hindi mapigilang pagtaas ng presyon sa dugo, atbp. Bago gumamit ng enoxaparin, sabihin sa iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay hindi hiyang dito; o sa mga heparin at produktong gawa sa karne ng baboy; o kung mayroon kang kahit anong uri ng alerhiya. Sakaling ang pasyente ay nagdadalang tao, gamitin lamang ang Xaparin kung talagang kinakailangan. Pag-usapan ang mga mabuti at masamang maidudulot ng gamot sa iyong doktor. Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng madalang na pagdurugo. Lubos na mag-ingat sa malalang pinsala (hal. , contact sports). ...