Xatral
Sanofi-Aventis | Xatral (Medication)
Desc:
Ang Xatral/alfuzosin ay ginagamit upang maibsan ang sintomas ng nanlalaking prosteyt (benign prostatic hyperplasia). Ang karaniwang dosis na inirerekumenda ay isang tabletang 10 mg araw-araw, matapos kumain. Ang tableta ay dapat lunukin nang buo, hindi ito dapat nguyain o durugin. ...
Side Effect:
Makipag-ugnayan sa iyong doktor kung ikaw ay makaranas ng mga sumusunod na masmang epekto gaya ng: masakit na likod, paninidas ng dumi, pagbawas ng gana makipagtalik o paghina ng kakayahang makipagtalik, pagkaliyo, pagkahimatay o pagkahilo, lalo na kung tatayo mula sa pagkakaupo o pagkakahiga, madalas na pagkapagod o panghihina, sakit ng ulo, impatso, pagsusuka, baradong ilong, namamagang lalamunan, o pag-ubo. Kumonsulta kaagad sa iyong doktor sa lalong madaling panahon kung makarananas ng alinman sa mga sumusunod na masamang epekto: pananakit ng tiyan, pananakit ng dibdib, pananakit ng mga kasu-kasuhan o paglala ng artraytis, pagbilik ng tibok ngn puso, pamamantal. ...
Precaution:
Bago ka magsimulang gumamit ng gamot na ito, siguraduhing ipagbigay-alam muna sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong medikal na kondisyon o kahit anong alerhiya na meron ka, at anumang gamot na iyong iniinom. Ang Xatral ay maaaring magdulot ng orthostatic hypotension o pagbaba ng presyon, na nagdudulot ng pagkahilo o pagkahimatay kapag babangon sa pagkakaupo o pagkakahiga. Ang mga pasyenteng may orthostatic hypotension ay dapat na mag-ingat sa paggamit ng gamot na ito, dahil maaaring lumala ang kanilang kalagayan. ...