Xiaflex
Auxilium Pharmaceuticals | Xiaflex (Medication)
Desc:
Ang Xiaflex/collagenase clostridium ay ginagamit panglunas sa mga matatandang nakakaranas ng Dupuytren’s contracture o pagbaluktot ng mga daliri sa kamay. Ang Xiaflex ay inirereseta ng doktor at binibigay sa pamamagitan ng pagturo ng iniksyon na may gamot na binibigay ng isang healthcare professional, sa loob ng ospital, kadalasan ay isang beses sa isang buwan. Maaaring kailanganing magsuot ng palapa sa iyong kamay para mapanatiling tuwid ang mga daliri, lalo na sa gabi. ...
Side Effect:
Ang pinakakaraniwang epekto ng Xiaflex ay: katamtamang pananakit o panlalambot ng ginamot na kamay, baku-bakong balat, o pananakit ng kili-kili. Kung alinman sa mga sintomas na ito ang magpatuloy at luminal, tumawag agad sa iyong doktor. Ang mas malalang masamang epekto ay: pakiramdam na mahihimatay (kahit nakahiga), pamamaga o pagdurugo sa ginamot na kamay, labis na pananakit, pangangati, pamumula, pagiinit, pamamaga, at iba pang iritasyon sa ginamot na kamay; pamamanhid o panginginig ng ginamot na kamay; lagnat, pangangatal, pananakit ng katawan, sintomas ng trangkaso, pamamaga ng mga glandula sa siko at kili-kili; o biglaang sakit, lumalagutok na tunog, pamamaga, pagkawala ng paggalaw, pamamaga ng mga kasu-kasuan ng kamay. Kung may napansin kang alinman sa mga ito, pumunta agas sa malapit na ospital. Ang allergic reaction ay madalang mangyari, ngunit maghanap kaagad ng tulong medikal kung makaranas nang alinman sa mga sumusunod: pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, labis na pagkahilo, paninikip ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ipagbigay-alam muna sa iyong doktor kung ikaw ang mayroong alerhiya, o kung ikaw ay gumagamit o umiinom na iba pang gamot o kung ikaw ay may karamdaman, lalo na kung may problema sa pagdurudo o pagbabara ng dugo, gaya ng hemophilia. Hindi inirerekumenda ang gamot na ito sa mga nagbubuntis at nagpapasuso nang walang pahintulot ng doktor. ...