Alemtuzumab
Vion Pharmaceuticals, Inc. | Alemtuzumab (Medication)
Desc:
Ang Alemtuzumab ay isang antibody na gawa mula sa DNA ng hayop na ginagamit upang gamutin ang kronik na lympositikong leukemya sa mga pasyenteng hindi tumugo sa ibang gamot sa kanserna kimoterapiya tulad ng fludarabine. Ang medikasyong ito ay ibinibigay sa pamamagitang ng pagturok sa ugat ng isang propesyonal sa alagang pangkalusugan sa ospital o klinika. Ang dosis ay nakabase sa timbang ng iyong katawan at pagresponde sa paggagamot. ...
Side Effect:
Ang mga seryosong epekto ng gamot na ito ay may kasamang: reaksyong alerdyi – pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal; maputlang balat, madaling pagpapasa o pagdurugo, hindi pangkaraniwang panghihinga; sakit ng dibdib o pakiramdam na mabigat, sakit na kumakalat sa braso o likod, pagduduwal, pamamawis; pangkalahatang pakiramdam na may sakit; lagnat, ginaw, mga sakit ng katawan, sintomas ng trangkaso; pagkahilo, pagkahimatay, halusinasyon; o mga puting pitsa o sugat sa iyong bibig o sa iyong mga labi. Ang ibang hindi masyadong seryosong epektong sanhi ng Alemtuzumab ay pwedeng: pagduduwal, pagsusuka, sakit ng tiyan; pagtatae, konstipasyon; kawalan ng ganang kumain; sakit ng ulo; sakit ng dibdib o likod; mga problema sa pagtulog (hindi pagkakatulog); pakiramdam na pagod; makating ilong, pamamaga ng lalamunan; o pamamawis, malumanay na pamamantal o pangangati. Kung ang mga ito ay tumagal o lumala, tawagan ang iyong doktor. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa puso, karamdaman sa pagdurugo o pamumuo ng dugo, karamdaman sa tiyan o bituka, o hika o ibang problema sa paghinga. Dahil ang Alemtuzumab ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa nasisiguro mo ng kaya mo ng gawin ang gawaing ito ng ligtas. Huwag kukuha ng imyunisasyon o bakuna habang gumagamit ng Alemtuzumab ng hindi nagtatanong sa iyong doktor. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...