Darifenacin
Ercole Biotech | Darifenacin (Medication)
Desc:
Ang Darifenacin ay isa sa mga gamot na kasama sa klase ng mga gamot na kung tawagain ay anti-muscarinics. Ito ay ginagamit para gamutin ang sintomas ng masyadong aktibong pantog, tulad ng madalas o madaliang pag-ihi, at hindi mapigilang pag-ihi. Ang gamot na ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapakalma sa mga kalamannan sa pantog, pinapapabuti ang abilidad mo na kontrolin ang iyong pag-ihi.
Inumin ang gamot na ito sa pamamagitan ng bibig,may pagkain, o ayon sa direksyon ng doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ay nakabase sa medikal na kondisyon at pagtugon ng katawan mo sa gamot. Huwag tataasan ang dosis o dalasan ang pag-inom ng walang abiso ng doktor. ...
Side Effect:
Ang Darifenacin ay maaaring magdulot ng mga epekto tulad ng:tuyong bibig; malabong paningin, katamtamang hirap sa pagdumi; pagtatae; pagduduwal, katamtamang pag-iba ng tiyan; pagkahilo; panghihina; sakit sa ulo; o lagnat, pamamaga ng lalamunan, sakit ng katawan, o iba pang sintomas ng trangkaso. Ang mga ito ay hindi matindi ngunit nangangailangan ng konsultasyon kapag nagpatuloy o lumala.
Ang mga higit na matinding epekto ay:reaksyong alerdyik; mainit, tuyong balat at matinding pagkauhaw; matinding sakit ng tiyan o hindi makadumi; sakit o parang nasusunog na pakiramdam kapag umiihi; o umiihi ng mas kaunti kaysa sa normal o wala talaga. Kapag ikaw ay may napansin na kahit anong sintomas dito, agarang humingi ng tulong-medikal. ...
Precaution:
Bago gamiting ang gamot na ito, sabihin muna sa doktor kung ikaw ay alerdyik dito, o sa ibang gamot, o kung nagkaroon ka ng ibang alerdye. Sabihin sa doktor kung ikaw ba ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay nagkaroon o mayroon ng mga sumusunod na kondisyon:iba pang problema sa pantog tulad ng bladder outflow obstruction, sakit sa tiyan o bituka tulad ng ulseratib na kolaytis, pagbagal ng galaw ng tiyan at bituka, matinding hirap sa pagdumi, kontroladong narrow angle na glawkoma, sakit sa atay, lumaking prosteyt, o mayatena grabis.
Dahil ang Darifenacin ay maaaring magdulot ng pagkaantok at pagkahilo, huwag magmaneho o gumamit ng mabigat na makina hanggang sa masigurong kaya mo ng gawin ito ng ligtas. Bukod pa dito, limitahan ang pag-inom ng alak. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...