Deferasirox

Novartis | Deferasirox (Medication)

Desc:

Ang Deferasirox ay isang dinisenyong oral iron chelator. Ang gamot na ito ay ginagamit na panggamot sa pagkasobra sa iron na sanhi ng pagsalin ng dugo sa mga adulto o batang nasa 2 taong gulang man lang. Inumin ang gamot na ito sa walang laman na sikmura 30 minuto bago kumain, sa magkaparehong oras araw-araw, o ayon sa direksyon ng doktor para sa iyong kondisyon. Ang dosis ay binabase sa iyong kondisyong medikal at pagtugon ng iyong katawan sa gamot. Huwag tataasan ang dosis o dadalaaan ang pag-inom ng walang abiso ng doktor. ...


Side Effect:

Kadalasan, ang Deferasirox ay pwedeng magdulot ng mga epektong:katamtamang sakit ng tiyan, pagtatae, pagduduwal o pagsusuka; lagnat; pagkahilo, pagkabalisa, pagkapagod; problema sa pagtulog; katamtamang pamamantal; pag-iba ng kulay ng balat; o sakit ng ulo, ubo, sakit ng saynus, masipon o mabarang ilong. Kung alinman sa mga ito ay tumagal o lumala, tumawag agad sa doktor. Ang mga mas matinding epekto ay :reaksyong alerdyi -pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o bibig; panghihina o pagkahimatay, madugong dugo; pag-ubo ng dugo o pagsuka na parang durog na kape; matinding sakit ng tiyan na maaring kumalat hanggang likod; madalas na pagkauhaw at pag-ihi; kawalan ng ganang kumain; panghihina; hindi makadumi; problema sa paningin o pandinig; lagnat, ginaw, pamamaga ng lalamunan, sakit ng katawan, sintomas ng trangkaso; pag-ihi ng mas kaunti sa normal o wala na talaga; pamamaga o pamamanhid ng kamay at paa; o pagduduwal, kawalan ng ganang kumain, pangangati, madilim na kulay ng ihi, kulay-putik na dumi, o paninilaw ng balat. Kung ikaw ay may mapansing kahit ano rito, humingi agad ng tulong-medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot, sabihin muna sa doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerdye. Sabihin rin kung ikaw ay umiinom ng ibang gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:sakit sa bato; sakit sa atay; kanser; lalo na ang leukemya; kasaysayan ng pagdurugo sa tiyan o bituka; problema sa paningin o pandinig; o mahinang sistemang pantabla na sanhi ng sakit tulad ng kanser, HIV, o AIDS, o sa pagtanggap ng isteroyd, kimoterapya, o radyasyon.

Dahil ang Deferasirox ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok, huwag magneho at gumamit ng mabibigat na makina hanggang ikaw ay makasisiguro ng magagawa mo ito ng ligtas. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».