Dexmethylphenidate
Unknown / Multiple | Dexmethylphenidate (Medication)
Desc:
Ang Dexmethylphenidate ay isang katamtamang pampalakas ng loob sa setrong sistemang nerbos(utak at nerbs). Ang Dexmethylphenidate ay ginagamit na panggamot sa attention deficit hyperactivity disorder (ADHD) sa mga pasyenteng edad 6 at mas mataas pa. Ang Dexmethylphenidate ay nagpapataas sa atensyon at nagpapababa sa pagka-hindi mapakali ng mga bata at adulto na na sobrang aktibo, hindi makapagpokus ng matagal, o madaling maabala o pabigla-bigla. Ang gamot na ito ay bahagi ng pangkabuuang programang paggagamot na may kasamang paggagamot sa sosyal, edukasyonal at sikolohikal. ...
Side Effect:
Ang ilan sa mga sumusunod na sintomas ay senyales ng reaksyong alerdyik :pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, labi, dila, o lalamunan, kaya naman humingi agad ng tulong-medikal. Ilan sa mga seryosong epekto ay:mapanganib na altapresyon (matinding sakit ng ulo, panlalabo ng paningin, pagtining ng tainga, sakit ng dibdib pamamanhid, sumpong); mabilis o hindi pantay na pagtibok ng puso; panlalabo at ibang pagbabago sa paningin; hindi pangkaraniwang kilos, pagkalito; o pagkikibit o pagkimbot. Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay:hirap sa pagtulog (hindi pagkakatulog); kawalan ng ganang kumain; hindi mapakali, balisa, o kabado; tuyong bibig, pamamaga ng lalamunan; o sakit ng ulo. ...
Precaution:
Sabihin sa doktor o parmaseutiko ang tungkol sa iyong kahit anong alerdye. Ang produktong ito ay may lamang hindi aktibong mga sangkap, na pwedeng magdulot ng reaksyong alerdyik o iba pang problema. Kumonsulta sa doktor o parmaseutiko kung ikaw ay may:matinding pagkabalisa/tensyon, sakit sa puso/ugat (halimbawa :iregular na tibok ng puso/ritmo), problema sa struktura ng puso (halimbawa :problema sa balbula), kasaysayan ng atake sa puso o atakeng serebral, problema sa mata (glawkoma), personal o pampamilyang kasaysayan ng hindi kontroladong galaw ng kalamnan (pabigla-biglang kimbot na motor, Tourette na sindrom), sumpong, kondisyon sa pag-iisip/kalooban (halimbawa:magulo, sikosis).
Sabihin sa doktor ang iyong kasaysayang medikal, lalo na tungkol sa:historya ng biglang pagkamatay/iregular na tibok ng puso/ritmo, historya ng pang-aabusa ng droga/alak, problema sa puso (halimbawa :kamakailan lamang na atake sa puso, pagpapalya ng puso, abnormal na tibok ng puso), altapresyon, historya ng problema sa pag-iisip/kalooban (halimbawa :diperensyang baypolar, depresyon, sikotikong sakit, pag-iisip ng pagpapakamatay), historya ng sakit na pagsusumpong, sobrang aktibong teroydeo (hyperthyroidism).
Ang gamot na ito ay maaaring magdulot ng panlalabo ng paningin. Huwag magneho, gumamit ng mabibigat na makina, o gumawa ng ibang gawain na nangangailangan ng malinaw na paningin hanggang ikaw ay makasisiguro ng magagawa mo ito ng ligtas. Bago magpaopera, sabihin sa doktor o dentista na ikaw ay gumagamit ng gamot na ito.
Ang pag-iingat ay inaabiso sa paggamit ng gamot na ito sa mga bata dahil ito ay maaaring makaapekto sa bigat, bilis ng paglaki, at pinal na tangkad. Maaaring irekomenda ng doktor ang pansamantalang paghinto ng gamot para mabawasan ang panganib. I-monitor ang bigat at timbang ng bata at kumonsulta sa doktor o parmaseutiko para sa iba pang detalye. Ang paggagamot ay dapat gamitin lamang kung talagang kinakailangan habang buntis. Pag-usapan ang panganib at benepisyo kasama ang iyong doktor. Hindi pa tiyak kung ang gamot ay naipapasa sa gatas ng ina, kaya naman ay kumonsulta sa doktor bago magpasuso. ...