Erythromycin and sulfisoxazole

Ercole Biotech | Erythromycin and sulfisoxazole (Medication)

Desc:

Ang Erythromycin (isang macrolide-type) at sulfisoxazole ay parehong mga antibiyutiko. Ang kombinasyon ng mga gamot na ito ay ginagamit upang gamutin ang mga inpeksyon sa tainga sa mga batang may edad na higit sa 2 buwan. Ang Erythromycin at sulfisoxazole ay gagana lamang para sa mga inpeksyong bakteryal, hindi ito magiging epektibo sa mga inpeksyong sanhi ng halamang-singaw tulad ng karaniwang sipon, o trangkaso. Ang kombinasyon ng medikasyong ito ay iniinom gamit ang bibig, mayroon o walang kasamang pagkain, kadalasan ay 3 hanggang 4 na beses sa isang araw o ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Ang dosis ay nakabase sa kondisyong medikal ng iyong anak, timbang, at pagtugon sa terapiya. Huwag tataasan ang dosis o dadalasan ng walang abiso ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Ang pinakakaraniwang maaaring sanhi ng Erythromycin at sulfisoxazole ay: malumanay na pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, o sakit ng tiyan; sakit ng ulo, malumanay na pagkahilo, o umiikot na sensasyon. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tawag ang doktor ng iyong bata. Ang higit na matinding masamang reaksyon ay may kasamang: pagkahilo, pagkahimatay, mabilis o kumakabog na tibok ng puso; matubig o madugong pagtatae; pagkalito, mga halusinasyon; sakit ng kalamnan, panlalambot, o panghihinang may kasamang lagnat o mga sintomas ng trangkaso at ihing madilim ang kulay; mga puting pitsa o sugat sa loob ng iyong bibig o sa labi; lagnat, pamamaga ng iyong lalamunan, at sakit ng ulong may kasamang matinding pamamaltos, pamamalat, at mapulang pamamantal ng balat; unang senyales ng kahit anong pamamantal ng balat, kahit na gaano kaunti; maputlang balat, madaling pagpapasa o pagdurugo; pagtunog ng iyong mga tainga, o mga problema sa pandinig; pamamanhid o tusok-tusok na pakiramdam sa iyong mga kamay o paa; pamamaga ng iyong lalamunan, pamamga o bukol sa yong lalamunan o leeg; ubo, pagkakapos ng hininga; dugo sa iyong ihi, sakit sa gilid o ibabang likod, sakit kapag umihi; pag-ihi ng mas kaunti kaysa karaniwang o wala talaga, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalan ng ganang kumain, ihing madilim ang kulay, mga duming kulay putik, paninilaw ng balat o mga mata. Kung ang iyong anak ay mayroong alinman sa mga ito, idala siya agad sa iyong doktor. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ang iyong anak ay hindi hiyang dito, sa ibang mga gamot o may kahit anong uri ng alerhiya. Sabihin sa iyong doktor kung ang iyong anak ay gumagamit ng ibang medikasyon at kung sila ay mayroon o nagkaroon ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa atay o bato, dyabetis, myasthenia gravis, kasaysayan ng sindrom ng Long QT. Ang medikasyong ito ay maaaring magpataas sa iyong pagkasensitibo sa araw, kaya naman dapat na iwasan ang matagal na pagkababad sa araw, mga pangungulting kubol, at mga ilaw na araw. Ang sunscreen at protektibong damit ay inirirekomenda kapag nasa labas. Ang pag-iingat ay inaabiso kung ang erythromycin ay gagamitin sa mga sanggol. Napakadalang, ang problema sa tiyang tinatawag na IHPS ay minsang nangyayari. Sa kasong ang iyong anak ay magkaroong tumatagal na pagsusuka o dumaming iritabilidad sa pagkain, kontakin agad ang iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».