Hyaluronic acid

Vijay Chemical Corporation | Hyaluronic acid (Medication)

Desc:

Ang hyaluronic acid ay mula sa species ng bakterya na streptococcus at gumagana sa pagdaragdag ng pagiging buo at binabawasan naman ang kulubot nga mga wrinkles sa mga lugar na dating kulubot. Ang produktong ito ay ginagamit para maitama ang katamtaman patungo sa malalang wrinkles at folds (hal. naso-labial folds). Ang Hyaluronic acid ay maaaring gamitin sa lip augmentation. Ang Hyaluronic acid ay binibigay lamang bilang ineksyon ng makaranasang doktor. Ang dose ay nakadepende sa lugar na ginagamot at kadalasang pinakamataas na ang 1. 5 ml kasa naso-labial fold o 6 ml kada gamutan. ...


Side Effect:

Kadalasan, ang hyaluronic acid ay maaaring magdala ng mga sumusunod na hindi seryosong side effect:pananakit, pamumula at pamamaga ng lugar ng pinagturukan ng ineksyon, pananakit ng ulo, pagduduwal, at mala-trangkasong mga sintomas gaya ng runny nose. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, tumawag sa iyong doktor. Ang mas malalang side effect ay:pamamaga (edema) ng iyong mukha, panghihina ng kalamnan ng mukha, pangangati (urticaria), panlalamig, pagduduwal, pagsusuka, mabilis na tibok ng puso at mababang presyon ng dugo (hypotension). Kung mapansin mo ang alinman sa mga ito, humanap kaagad ng medikal na tulong. Ang allergy ay bibihira, pero humanap ng medikal na kalinga kung mapansin mo ang mga sumusunod na sintomas:pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o hives. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay may allergy dito o sa ibang mga gamot, o kung ikaw ay may anumang ibang mga allergy. Sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot at kung ikaw ay may anumang karamdaman, lalo na ang madaling pagkakaroon ng keloid o hypertrophic scarring. Hindi rekomendado na gamitin ang gamot na ito habang nagbubuntis o nagpapasuso nang walang abiso galing sa iyong doktor. Matapos gumamit ng hyaluronic acid, iwasan ang pagkahantad ng ginamot na lugar sa sobrang sikat ng araw at UV lamp at sobrang malamig na lagay ng panahon hanggang ang anumang pamamaga at pamumula ay mawala. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».