Hydrocortisone probutate

Vijay Chemical Corporation | Hydrocortisone probutate (Medication)

Desc:

Ang Hydrocortisone probutate ay isang corticosteroid na nagpahupa sa pamamaga, pangangati, at pamumula. Ang gamot na ito ay ginagamit upang gamutin ang iba't ibang mga kondisyon sa balat tulad ng eksema, dermatitis, alerdyi, o mga pantal. Ipahid ang gamot na ito sa malinis at tuyong parte ng balat na apektado, karaniwang 1-2 beses araw-araw o tulad ng direksyon ng iyong doktor. Sundin nang eksakto ang mga nakasulat sa kalakip na papel o nasa balot para sa wastong paggamit. Ang Hydrocortisone probutate ay para sa balat lamang, iwasang mapunta sa mata, ilong, tainga, bibig, mukha, o singit. ...


Side Effect:

Karaniwan sa mga epekto na sanhi ng Hydrocortisone probutate ay ang: pakiramdam na may tumutusok-tusok, pagkasunog, pangangati o pagka-irita, pagkatuyo, pamamanhid, pagkabawas sa pakiramdam, pamumula sa lugar ng aplikasyon, tagiyawat, labis na pagtubo ng buhok, pamamaga sa ugat na tinutubuan ng buhok (folliculitis), pagnipis ng balat o pagbabago ng kulay, o mga marka ng kamot. Kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, kumonsulta agad sa iyong doktor. Ang mas bihira, ngunit matinding epekto nito ay kinabibilangan ng: hindi pang karaniwan o matinding pagkapagod, pagbawas ng timbang, sakit ng ulo, pamamaga ng bukung-bukong o paa, madalas na pagka-uhaw o pag-ihi, mga problema sa paningin. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng atensyong medikal. Bihirang magkaroon ng reaksyon na humahantong sa alerdyi, ngunit kung may alinman sa mga sumusunod na sintomas na nangyari: pagpapantal na may pamumula sa balat, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o mga pantal, humingi kaagad ng atensyong medikal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay alerdyi dito, sa iba pang mga gamot, o kung mayroon kang anumang iba pang mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon: Cushing's syndrome, diyabetes, mataas na asukal sa dugo, mataas na presyon ng dugo sa ulo (intracranial hypertension). Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso, kumunsulta sa iyong doktor bago gamitin ang gamot na ito. Huwag maglagay ng Hydrocortisone probutate kung mayroon kang impeksyon sa lugar ng aplikasyon o malapit sa lugar ng aplikasyon o malalaking sugat, hiwa o galos sa balat, o matinding pinsala sa lugar ng aplikasyon. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».