Hyoscyamine
Paddock Laboratories | Hyoscyamine (Medication)
Desc:
Ang hyoscyamine ay kabilang sa mga uri ng gamot na tinatawag na anticholinergics/antispasmodics. Ginagamit ang gamot na ito bilang: panlunas sa iba't ibang karamdaman ng tiyan at bituka, kasama ang peptic ulcer at irritable bowel syndrome; pampakalma ng kalamnan ng pantog, mga bato, o daluyan ng pagkain; pampabawas sa asido sa tiyan; pampabawas ng panginginig at paninigas ng mga kalamnan para sa may Parkinson's disease; o bilang drying agent na kumukontrol sa labis na paglalaway, runny nose, at pamamawis. Inumin ang gamot na ito ayon sa preskripsyon ng iyong doktor. Maaring ilagay ito sa ilalim ng dila upang malusaw, lunukin ng buo, o nguyain. ...
Side Effect:
Karaniwan, ang hyoscyamine ay maaring magdulot ng: pagkahilo; pagka-antok; nerbyos; panlalabo ng paningin; pananakit ng ulo; hirap sa pagtulog (insomnia); pagsusuka; impatso; heartburn, o hirap sa pagdumil; pagbabago sa panlasa; problema sa pag-ihi; pagbawas sa pamamawis; tuyong bibig; hindi tinatayuan ng ari; kawalan ng gana sa pakikipagtalik; o di-makaabot sa orgasmo. Kung manatili o lumala ang mga epektong ito, tumawag sa iyong doktor. Ang mga di-karaniwan, ngunit delikado, na side effects ng gamot ay: allergic reaction - pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, mukha, o kumpol-kumpol na pamamantal; diarrhea, pagkalito; hallucinations, mga kakaibang kilos o pag-iisip; mabilis, malakas, at irregular na tibok ng puso; pamamantal o pamumula ng balat; at pangingirot ng mata. Kung maranasan ang alin man sa mga ito, humanap kaagad ng atensyong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may kahit anong uri ng allergies. Ipaalam sa iyong doktor kung may iniinom na gamot o kung nagkaroon ka ng mga sumusunod: sakit sa bato, paglaki ng prostate o problema sa pag-ihi, bara sa bituka, matinding ulcerative colitis, toxic megacolon, glaucoma; myasthenia gravis; sakit sa puso; congestive heart failure; problema sa pagtibok ng puso, high blood pressure, overactive thyroid; o hiatal hernia na may kasamang GERD. Dahil ang gamot na ito ay maaring magpalabo ng iyong paningin, huwag magmaneho at gumamit ng mga makinarya hangga't sigurado kang magagawa mo ang mga ito ng ligtas. Habang nagbubuntis o nagpapasuso ng bata, hindi rekomendado ang paggamit ng gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...