Metoclopramide hydrochloride
Rosemont Pharmaceuticals | Metoclopramide hydrochloride (Medication)
Desc:
Ang Metoclopramide Hydrochloride ay kabilang sa pangkat ng mga medisinang tinatawag na dopamine antagonists. Ginagamit ang gamot na ito upang gamutin ang tiyak na mga kondisyon sa sikmura at bituka tulad ng heartburn na nagaganap pagkatapos ng kumain o habang umaga pa. Ito rin ay ginagamit rin sa mga pasyenteng may dyabetis na mayroong mahinang panunaw sa kanilang mga sikmura, kondisyon na tinatawag na gastroparesis. Ang Metoclopramide ay maaari ring magamit upang magamit upang maibalik ang normal na hulma ng mga kalamnan at paggalaw sa sikmura sumusunod sa operasyon at sa mga iba-ibang mga karamdaman sa sikmura. Dapat na inumin ang gamot na ito sa bibig ng 30 minuto bago ang pagkain at bago matulog, kadalasan apat na beses kada araw, o eksakto gaya ng itinuro sa iyo ng iyong tagapag-bigay ng pangangalaga sa kalusugan. ...
Side Effect:
Pinaka karaniwan, ang Metoclopramide hydrochloride ay maaaring magdulot ng pagkaantok, pagkahilo, kapaguran, hirap sa pagtulog, pagkainis, sakit ng ulo, at pagtatae. Kung alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Maraming mga bibihira, ngunit seryosong mga epekto kasama sa mga sumusunod: mga pagbabago sa kaisipan o kalagayan tulad ng kabagabagan, pagkatuliro, depresyon, o kaisipan ng pagpapakamatay, pagbaba ng abbilidad sa pakikipag-talik, walang ablidad upang manatili, pasma ng mga kalamnan o di-kontroladong mga paggalaw ng mga kalamnan, abnormal na paggawa ng gatas ng suso, lumaki o masakit na suso, pamamaga ng mga kamay o paa, mga pagbabago sa pagreregla sa mga kababaihan, mga pagnginig, hirap sa paggalaw, paninigas ng mga kalamnan, lagnat, matigas na kalamnan, madaming pagpawis, mabilis na tibok ng puso, o pagkatuliro. Kung ikaw ay nakakapansin ng alinman sa mga ito humanap ng agarang tulong pang medikal. Bibihira ang reaksyong alerdyi, ngunit kung ikaw ay nakakapansin ng alinman sa mga sumusunod na mga sintomas kumuha ng medikal na pangangalaga: pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroon anumang uri ng mga alerhiya. Ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng iba pang medisina at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng alinman sa mga sumusunod na mga kondisyon: pagdurugo, pagbara, o butas sa bituka o sikmura, kanser sa suso, dyabetis, mataas na presyon ng dugo, mga problema sa kidney, pagpalya ng puso, mga problema sa pagiisip o kalagayan tulad ng depresyon, o pagiisip ng pagpapatiwakal, sakit na Parkinson's, mga problema sa atay, pheochromocytoma, mga atake, tiyak na problema sa enzyme ng dugo dahil ang Metoclopramide Hydrochloride ay maaaring magdulot ng pagkahilo at pagkaantok at pagkaantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang sa makasigurong kaya itong isagawa ng ligtas. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...