Metronidazole
Rosemont Pharmaceuticals | Metronidazole (Medication)
Desc:
Ang Metronidazole ay kabilang sa pangkat ng mga antibiotikong kilala bilang nitroimidazoles. Ang Metronidazole ay ginagamit upang gamutin ang mga bakteryal na impeksyon sa puki, tiyan, balat, kasu-kasuan, at respiratory tract. Inumin ang gamot na ito sa bibig tulad ng itinuro sa iyo ng iyong doktor para sa iyong kondisyon. And dosis ay nakabase sa iyong kondisyong medikal at tugon sa paggagamot. Huwag taasan ang dosis o dalas nang walang payo ng iyong doktor. ...
Side Effect:
Karaniwang mga epekto ay kasama: pagduduwal, pananakit ng tiyan, pagtatae; sakit ng ulo, pagkahilo, kawalan ng balanse; pangangati ng puki or karaniwang di-lumalabas; panunuyo ng bibig o di-kaaya ayang mala metal na lasa; ubo, pagbahing, sipon o baradong ilong; o namamaga o namamagang dila. Kung alinman sa mga ito ang nagpatuloy o lumala. Maraming mga malubhang mga epekto ang kasama sa mga reaksyong alerdyi - pantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal; mga atake (mga kombulsyon); lagnat, panginginig, mga sakit sa katawan, sakit ng lalamunan, mga sintomas ng trangkaso; pamamanhid o tingling na nararamdaman sa iyong mga kamay o paa; puting mga patse o sakit sa loob ng iyong bunganga o iyong labi; pananakit o sunog na sensasyon kapag umiihi; o matubig o madugong pagtatae. Kung ikaw ay nakararanas ng alinman sa mga ito humanap ng agarang tulong pangmedikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito sabihan muna ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong anumang mga uri ng alerhiya. Ipaalam sa iyong doktro kung ikaw ay gumagamit ng iba pang mga gamot at kung ikaw ay mayroon o nagkaroon na ng alinman sa mga sumusunod na mga kondisyon: mga problema sa atay, mga karamdaman sa nerbus sistem (mga atake), mga karamdaman sa dugo, o sakit na Crohn's. Dahil ang Metronidazole ay maaaring makapagdulot ng pagkahilo, huwag magmaneho at gumamit ng mga mabibigat na mga makinarya hanggang sa makasigurong kaya itong isagawa ng ligtas. At limitan rin ang pag-inom ng mga inuming nakalalasing. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...