Nitroglycerin generic
Beximco Pharmaceuticals Ltd | Nitroglycerin generic (Medication)
Desc:
Ang Nitroglycerin ay kabilang sa klase ng mga gamot na tinatawag na nitrates. Ang gamot na ito ay ginagamit upang maiwasan ang sakit sa dibdib (angina) sa mga taong may tiyak na kondisyon sa puso tulad ng coronary artery disease. Gumagana ang gamot na ito sa pamamagitan ng pagpapakalma ng mga ugat at pagpapalawak ng ugat (na daluyan ng dugo), upang mas madali ang pagdaloy ng dugo sa ugat at mas madali para sa puso na mag-bomba ng dugo sa ibang bahagi ng katawan. ...
Side Effect:
Karamihan sa mga karaniwang epekto na maaaring sanhi ng Nitroglycerin ay: banayad na pamamantal sa balat o pangangati; pag-iinit, pamumula, o pangit na pakiramdam sa ilalim ng iyong balat; pagduwal, pagsusuka, sira ang tiyan; o pakiramdam ng kaba, panghihina, o pagkahilo. Kung ang alinman sa mga ito ay nagpatuloy o lumala, tawagan ang iyong doktor. Ang mas bihira, ngunit malubhang epekto ay ang sumusunod: pamamantal na may pamumula, pangangati, kahirapan sa paghinga, pagsara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha, o mga pantal; lumalalang pananaakit sa dibdib, mabagal na tibok ng puso; pakiramdam tulad ng maaari kang mahimatay; sakit sa dibdib o mabibigat na pakiramdam, sakit na kumakalat sa braso o balikat, pagduwal, pagpapawis, pangkalahatang sakit na pakiramdam; mabilis o pagkabog ng puso; o malabo ang paningin at panunuyo ng bibig. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito humingi kaagad ng tulong medikal. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga alerdyi. Sabihin sa iyong doktor kung gumagamit ka ng iba pang gamot at kung mayroon ka o nagroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kundisyon: anemia, mababang presyon ng dugo, pagkatuyo ng labis na tubig sa katawan (pagkawala ng tubig), o iba pang mga problema sa puso tulad ng biglaang pag-atake sa puso. Dahil ang Nitroglycerin ay maaaring maging sanhi ng pagkahilo at pag-aantok, huwag magmaneho at gumamit ng mabibigat na makinarya hanggang hindii pa nasisigurong ligtas mong maisasagawa ang gawain na ito. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekumenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor. ...