Ofloxacin

Dr. Reddy Laboratories | Ofloxacin (Medication)

Desc:

Ang Ofloxacin ay isang gamot na kabilang sa isang pangkat ng mga antibiotics na tinatawag na fluoroquinolones. Ito ay gumagamot ng mga impeksyon sa bakterya na sanhi ng brongkitis, pulmonya, chlamydia, gonorrhea, impeksyon sa balat, impeksyon sa ihi, at impeksyon ng prosteyt. Ito ay de-resetang gamot at ang dosis nito ay nababatay sa iyong medikal na kondisyon at sa bilis ng pagtugon ng iyong sistema sa gamot. Huwag baguhin ang dosis ng walang pahintulot ng iyong doktor. ...


Side Effect:

Ipagbigay alam sa iyong doktor kung makakaranas ng mga masasamang epekto ng Oflaxacin tulad ng pagduduwal, pagsusuka, pananakit ng tiyan, paninigas ng dumi, pagkabalisa, pananakit ng ulo, pagkahilo, pananakit ng kalamnan, insomnia, vaginal discharge o banayad na pangangati ng balat. Agaran ding ipagbigay alam sa iyong doktor ang mga mangilan-ilan at bihira ngunit mas mapanganib na epekto tulad ng pagtatae, panginginig, hallucinations, pagbabago ng pag-uugali, pagkahilo, pagkahimatay, mabilis na tibok ng puso, biglaang pagsakit o pamamaga sa iyong mga kasukasuan (lalo na sa iyong braso o bukung-bukong), madaling pagtamo ng pasa, mas madalang na pag-ihi, pamamanhid ng iyong mga kamay o paa, maputla o madilaw na balat, maitim na kulay ng ihi, lagnat, pamamaga ng lalamunan, pananakit ng ulo at pamumula, pagbabalat, at pagpantal. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ipaalam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang uri ng mga allergy at kung nagkaroon ka ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon tulad ng mabilis na pagpintig ng puso, allergic reaction sa antibiotic, panghihina ng kalamnan, problema sa paghinga, problema sa kasu-kasuan, sakit sa bato o atay, epilepsy, seizures, diabetes, mababang antas ng potasa sa iyong dugo (hypokalemia), o isang kasaysayan ng pamilya sa Long QT syndrome. Ang Ofloxacin ay maaaring magdulot ng antok kung kaya't huwag magmaneho o gumamit ng makinarya upang maging ligtas. Hindi rin nirerekomendang gamitin ng mga buntis o nagpapasuso hangga't walang pahintulot ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».