Enfuvirtide

Roche | Enfuvirtide (Medication)

Desc:

Ang Enfuvirtide ay isang medikasyong pangontra mikrobyo na pinipigilan ang human immunodeficiency virus (HIV) mula sa paghawa sa mga malulusog na selula ng iyong katawan. Ang Fuzeon ay isang tatak para sa Enfuvirtide na ginagamit upang gamutin ang HIV, na nagsasanhi ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Ang Enfuvirtide ay hindi lunas para sa HIV o AIDS. Ang Fuzeon ay kadalasang ibinibigay pagkatapos subukan ang ibang mga medikasyong walang matagumpay na paggagamot ng HIV. ...


Side Effect:

Mayroong ilang mga epekto na maaaring mangyari pagkatapos gamitin ang gamot na ito tulad ng:sakit, pamumula, pangangati, pagpapasa, tumigas na balat, o mga bukol sa bahaging tinurukan ay maaaring mangyari. Ang mga uri ng reaksyong na ito ay karaniwan at maaaring tumagal hanggang 7 araw. Ang makating ilong ay maaari ring mangyari. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, ipaalam sa iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Maraming taong gumagamit ng medikasyong ito ang walang seryosong mga epekto. Ipaalam sa iyong doktor kaagad kung ikaw ay mayroong kahit anong mga seryosong epekto, kasama ng: pagkabalisa, sakit ng kalamnan, pamamanhid/pagtusok-tusok/sobrang sakit ng nerb malapit sa bahaging pinagturukan, mga senyales ng inpeksyon sa bahaging pinagturukan (tulad ng umaawas, init, tumatagal na sakit at pamumula), sakit ng tiyan, kawalan ng ganang kumain, ubong mayroong lagnat, mabilis na paghinga, pagkakapos ng hininga, pamamawis sa gabi, mga pagbabago sa paningin/mata. Ang reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay hindi malamang, ngunit kumuha ng agarang tulong medikal kung ito ay mangyari. ...


Precaution:

Hindi ka dapat gumamit ng Enfuvirtide kung ikaw ay hindi hiyang sa Enfuvirtide. Bago gamitin ang medikasyong ito, ipaalam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong karamdaman sa pagdurugo o pamumuo ng dugo (tulad ng hemopilya), o kasaysayan ng mga problema sa paghinga. Huwag gagamitin ito bilang iyong tanging gamot lamang upang gamutin ang HIV. Maraming mga taong gumagamit ng medikasyong ito ay mayroong reaskyon sa balat (pangangati, pamumula, pamamaga, sakit, pagpapasa, panlalambot) kung saan tinurukan. Tawagan ang iyong doktor kung ang mga sintomas na ito ay lumala o magtagal ng higit sa 7 araw. Upang gamitin ng pinakamainam sa iyong kondisyon, gamitin ang lahat ng mga gamot ayon sa dinirekta ng iyong doktor. Huwag babaguhin ang iyong mga dosis o iskedyul ng medikasyon ng walang abiso ng iyong doktor. Ang bawat taong mayroong HIV o AIDS ay dapat na manatiling nasa ilalim ng alaga ng doktor. Ang iyong dugo ay maaaring kailanganing ieksamin ng mas madalas. Bisitahin ng regular ang iyong doktor. Ihinto ang paggamit ng gamot na ito at tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong seryosong epekto tulad ng lagnat, ubong may kasamang dilaw o berdeng plema, parang sinasaksak na sakit ng dibdib, pagsingasing, hirap huminga, pamamaga ng lalamunan, mga sintomas ng trangkaso, mga namagang glandula, madaling pagpapasa o pagdurugo, mga sugat sa bibig, matinding sakit sa itaas na bahagi ng tiyan, patuloy na sakit ng nerb o tusok-tusok na pakiramdam, mga senyales ng inpeksyong tulad ng pamamaga o pagtagas kung saan ka tinurukan. Ang pagkakaroon ng HIV ay ginagawa kang mas madaling magkaaroon ng ibang mga inpeksyon, at ang ilang mga taong gumagamit ng Fuzeon ay nagkaroon ng pulmonya. Hindi malinaw kung ang Fuzeon ay ang totoong kaso ng pulmonya ngunit maaaring mapataas nito ang iyong panganib. Maaari ka ring mas malamang na magkaroon ng pulmonya kung ikaw ay naninigarilyo, kung ikaw ay nagkaroon ng sakit sa baga, o kung ikaw ay may kasaysayan ng paggamit ng intravenous (IV) na gamot. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».