Ergoloid Mesylates oral
Mutual Pharmaceuticals | Ergoloid Mesylates oral (Medication)
Desc:
Ang mga Ergoloid mesylate ay ginagamit upang pabutihin ang kognitibo (kaisipan) at alagang pansariling paggawa ng taong mayroong mga sintomas ng demensyang kaugnay sa pagtanda o pinalagay na kaugnay sa mga kondisyong tulad ng sakit na Alzheimer. Ang mga Ergoloid mesylate at hindi lunas para sa demensya o para sa kahit anong sakit na maaaring magsanhi ng bumabang kapasidad ng pag-iisip. ...
Side Effect:
Mayroong ilang mga epekto na maaaring mangyari pagkatapos gamitin ang gamot na ito tulad ng: pagduduwal, pagsusuka, malabong paningin, pagkahilo, pagkaantok, pamumula, kawalan ng ganang kumain, o pag-iiba ng tiyan. Kung alinman sa mga ito ang tumagal o lumala, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ng maagap. Sabihin kaagad sa iyong doktor kung alinman sa mga hindi malamang ngunit seryosong epektong ito ang mangyari: pagkahimatay, mabagal na tibok ng puso. Ang napakaseryosong reaksyong alerdyi sa gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi kasama ang: pamamantal, pangangati/ pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalalumunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Hindi ka dapat na gumamit ng medikasyong ito kung ikaw ay hindi hiyan sa mga ergoloid mesylate, o kung ikaw ay may sikotikong kondisyong o matagal na sakit sa pag-iisip. Hindi gagamutin ng medikasyong ito ang demensyang kaugnay sa sakit sa pag-iisip, mga karamdaman sa kalooban, o neurolohikong sakit. Tawagan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong pagbabago sa memorya, pagkaalerto, kalooban, ganang kumain, lebel ng enerhiya, o kakayanang alagaan ang sarili. Ang iyong pamilya o ibang mga katulong ay dapat na maging alerto rin sa mga pagbabago sa iyong kalooban o mga sintomas. Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayang medikal, lalo ng ibang mga problema sa gawi, mga problema sa altapresyon, mga problema sa puso, sakit sa atay. ang gamot na ito ay maaaring gawin kang naaantok o magsanhi ng malabong paningin. Huwag magmaneho, gumamit ng makinarya, o gumawa ng kahit anong gawaing nangangailangan ng agap o malinaw na paningin hanggang sa makisiguroa ka ng kaya mo ng gawin ang mga ito ng ligtas. Limitahan ng pag-inom ng alak. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...