Hyoscyamine Oral

Alaven Pharmaceuticals | Hyoscyamine Oral (Medication)

Desc:

Ang hyoscyamine ay maraming epekto sa katawan, gaya ng ginhawa mula sa pangingirot ng mga kalamnan. Binabawasan din nito ang produksyon ng likido ng mga laman-loob at glands ng katawan tulad ng: tiyan, lapay, baga, saliva glands, sweat glands, at daanan ng hangin sa ilong. Ang hyoscyamine ay ginagamit sa paglunas sa mga karamdaman ng tiyan at bituka. Ginagamit din ito upang makontrol ang pangingirot ng kalamnan sa pantog, bato, o daluyan ng pagkain, at para mabawasan ang asido sa tiyan. Minsan, ginagamit din ito para mabawasan ang panginginig at paninigas ng mga kalamnan ng mga pasyenteng may Parkinson's disease. Dagdag pa ginagamit ito para mabawasan ang mga side effects ng mga piling gamot (gamot laban sa myasthenia gravis) at insecticides. ...


Side Effect:

May mga side effects na maaring maranasan matapos gamitin ang gamot na ito tulad ng: pagkahilo; pagka-antok; panlalabo ng paningin; panunuyo ng bibig; problema sa paningin, pananakit ng ulo, hirap sa pagtulog, hirap sa pagdumi, pamumula ng balat, panunuyo ng balat, at pagbawas ng pagpapawis. Alin man sa mga ito ay manatili o lumala, ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor o pharmacist. Upang maginhawahan ang panunuyo ng bibig, sumipsip sa (walang asukal) matigas na kendi o yelo, ngumuya ng (walang asukal) gum, uminom ng tubig o gumamit ng saliva substitute. Ipagbigay alam kaagad sa iyong doktor kung maranasan ang mga sumusunod na di-karaniwan, ngunit delikadong, side effects: pagbabago ng mood (hal. , pagkalito, di-mapaliwanag na pagkagalak), mabilis/irregular na tibok ng puso, hirap sa pag-ihi, kawalan ng sekswal na kapasidad, kawalan ng koordinasyon, hirap sa pananalita, pananakit ng mata, at pagsusuka. Malabong makaranas ng seryosong allergic reaction sa gamot na ito, ngunit humanap kaagad ng atensyong medikal kung makaranas nito. ...


Precaution:

Huwag gumamit ng hyoscyamine kung ikaw ay allergic dito o kung ikaw ay may sakit sa bato, bara sa pantog o bituka, severe ulceritive colitis, toxic megacolon, glaucoma, o myasthenia gravis. Bago gumamit ng hyoscyamine, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may sakit sa puso, congestive heart failure, problema sa tibok ng puso, high blood pressure, overactive thyroid, o hiatal hernia kasama ng gastroesophageal reflux disease. Iwasan ang paggamit ng antacids kapag gumagamit ng hyoscyamine. Maaring mas mahirapan na masipsip ng katawan ang hyoscyamine dahil sa antacids. Kung gagamit ng antacid, inumin ito matapos ang paggamit ng hyoscyamine o pagkatapos kumain. Maaring maapektuhan ng gamot na ito ang kapasidad sa pag-iisip o reaksyon. Ang pag-inom ng alak ay maaring palalain ang pagkahilo o antok na epekto ng gamot na ito. Iwasan na labis pagpapawis at pag-init ng katawan habang nage-ehersisyo o nasa mainit na panahon. Ang hyoscyamine ay maaring bawasan ang iyong pagpapawis kung kaya't maaring mas malagay sa panganib ng heat stroke. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».