Nitroglycerin

Novartis | Nitroglycerin (Medication)

Desc:

Ginagamit ang isprey ng Nitroglycerin at mga tableta upang gamutin ang mga yugto ng angina (pagsakit ng dibdib) sa mga taong may coronary artery disease (pagkipot ng mga daluyan ng dugo na nagbibigay ng dugo sa puso). Ang isprey at tableta ay maaari ding gamitin bago ang mga aktibidad na maaaring maging sanhi ng mga yugto ng angina upang maiwasan ang pagsisimula ng angina. Ang mga Nitroglycerin extended-release (pangmatagalang epekto) na kapsula ay ginagamit upang maiwasan ang mga yugto ng angina sa mga taong may coronary artery disease. Ang mga extended-releasena kapsula ay maaari lamang magamit upang maiwasan ang pag-atake ng angina; hindi sila maaaring gamitin upang gamutin ang isang atake sa sandaling ito ay nagsimula na. Ang Nitroglycerin ay nabibilang sa isang klase ng mga gamot na tinatawag na vasodilators. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpapakalma ng mga daluyan ng dugo kaya't ang puso ay hindi kailangang magtrabaho ng mas mabigat, samakatuwid, hindi nangangailangan ng maraming oxygen. Ang Nitroglycerin ay isang sublingual(nilalagay sa ilalim ng dila) na tableta, isang extended-release (pangmatagalang epekto) na kapsula, at isang isprey. Ang mga extended-release na kapsula ay karaniwang iniinom sa bibig ng tatlo hanggang apat na beses sa isang araw. Ang mga tableta at isprey ay karaniwang iniinom kung kinakailangan, alinman sa 5-10 minuto bago gawin ang mga aktibidad na maaaring maging sanhi ng pag-atake ng angina o sa unang pag-senyales ng isang atake. ...


Side Effect:

Ang dirediretsong, kumakabog na pagsakit ng ulo ay karaniwang nangyayari sa paggagamot ng nitroglycerin. Ang aspirin, acetaminophen, o ibuprofen ay maaaring magamit upang mapawi ang sakit. Ang pamumula ng ulo at leeg ay maaaring mangyari sa paggagamot ng nitroglycerin, na maaaring magpataas sa pagtibok ng puso o palpitations(pagkabog ng dibbdib). Maaari itong maiugnay sa pagbagsak ng presyon ng dugo na maaaring may kasamang pagkahilo o panghihina. Upang mabawasan ang peligro ng mababang presyon ng dugo, madalas na sinasabihan ang mga pasyente na umupo o humiga habang at kaagad pagkatapos uminom ng nitroglycerin. ...


Precaution:

Huwag gumamit ng nitroglycerin kung umiinom ka ng sildenafil (Viagra, Revatio), tadalafil (Cialis), o vardenafil (Levitra). Malubhang banta sa buhay ang mga epekto na maaaring mangyari kung uminom ka ng nitroglycerin habang gumagamit ka ng sildenafil. Ang Nitroglycerin ay maaaring maging sanhi ng matinding pananakit ng ulo, lalo na sa una mong paggamit nito. Ang mga pananakit ng ulo na ito ay maaaring unti-unting mabawasan habang patuloy kang gumagamit ng nitroglycerin. Huwag ihinto ang pag-inom ng gamot. Tanungin ang iyong doktor bago gumamit ng anumang gamot sa sakit ng ulo. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».