Omega 3 fatty acids

Sun Pharmaceutical | Omega 3 fatty acids (Medication)

Desc:

Ang Omega-3 polyunsaturated fatty acid ay matatagpuan sa langis galing sa ilang mga uri ng isda, gulay, at iba pang mga pananim, at ginagamit kasabay ng pagdidiyeta at pageehersisyo upang makatulong sa pagpapababa ng dami ng triglyceride sa dugo. Pinapababa ng fatty acid ang produksyon ng mga triglyceride upang makaiwas sa mga sakit tulad ng coronary artery disease, sakit sa puso at stroke. ...


Side Effect:

Dahil sa lasa ng Omega-3 polyunsaturated fatty acid matapos inumin ito lalo na kung ang iyong produkto ay gawa sa langis ng isda, posibleng mangyari ang pagduwal, pagdurugo, o pagdighay. Wala naman naiulat na malubhang epekto ng Omega-3 polyunsaturated fatty acid subalit kung may mapansin na sintomas ng allergic reactions tulad ng mga pantal, pangangati o pamamaga (lalo na sa mukha / dila / lalamunan), matinding pagkahilo at problema sa paghinga, ipagbigay alam agad sa iyong doktor ang mga nararamdaman. Kung may maramdaman na hindin pangkaraniwan o pagkabahala, agarang humingi ng tulong medikal. ...


Precaution:

Maaari naman isabay ang pag-inom ng Omega-3 polyunsaturated fatty acid sa iba pang mga resetang gamot, hindi resetang gamot, bitamina, at mga produktong erbal subalit huwag magsimula ng panibagong gamot ng walang pahintulot ng iyong doktor. Itigil ang paggamit ng gamot na ito kung napalabis at kung nakaramadam ng mga allergic reactions tulad ng mga pantal, hirap sa paghinga, o pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. Ipagbigay alam din sa iyong doktor ang anumang alerdyi at mga medikal na kondisyon tulad ng sakit sa bato, colitis, o mga problema sa tiyan. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».