Guaifenesin, Hydrocodone - oral
Unknown / Multiple | Guaifenesin, Hydrocodone - oral (Medication)
Desc:
Ang Guaifenesin o Hydrocodone - Oral ay tumutulong upang pansamantalang ihinto o bawasan ang isang tuyo at hindi produktibong ubo. Ang Guaifenesin ay isang expectorant. Nakakatulong ito sa pagpapahaba ng kasikipan sa iyong dibdib at lalamunan, na ginagawang mas madali ang pag-ubo sa pamamagitan ng iyong bibig. Ang Hydrocodone ay isang narkotiko na pumipigilng ubo.
...
Side Effect:
Ang mga malubhang epekto na maaaring maranasan ay :lumalabong paningin,pagbabago sa dami o gaano kadalas ang pag-ihi; parang lutang na pakiramdam o nanghihina; masakit nap ag-ihi; kumakabog na dibdib; malubhang sakit ng ulo; problema sa paghinga.
Ang hindi gaanong malubhang epekto ay maaaring:pagkabalisa o pagbabago ng kalooban; pagkalito o takot; banayad na pagduduwal o pagsusuka; kahinaan
Humingi ng agarang medikal na atensyon kung nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng isang reaksiyong alerdyi:pangangati o pantal, pamamaga sa iyong mukha o kamay, pamamaga o pagkirot ng iyong bibig o lalamunan, paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga.
...
Precaution:
Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga sumusunod na kondisyong medikal:hika, tumor sa ulo, malalang brongkitis, pagtatae na nauugnay sa Pseudomembranous Colitis mula sa mga antibiotics, Emphysema ( sakit sab baga), Sugat sa ulo, sakit sa bato, sakit sa atay, isang reaksiyong alerdyi sa Hydrocodone, Guaifenesin,at iba pang mga Opioid Analgesics, iba pang mga gamot, pagkain, tina, o pampabulok.
Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo ng iyong doktor.
...