Mycophenolic Acid
Unknown / Multiple | Mycophenolic Acid (Medication)
Desc:
Ang Mycophenolic acid ay pinabababa ang immune system ng katawan. Ang immune system ay tumutulong na labanan ang mga impeksyon sa katawan. Maari din labanan o tanggihan ng immune system ang mga transplanted organs tulad ng atay o kidney. Ito ay dahil tinuturing ng immune system bilang impeksyon ang bagong laman-loob. Ang Mycophenolic acid ay ginagamit upang pigilan ang katawan na tanggihan ang isang kidney transplant. Ang gamot na ito ay kadalasan binibigay kasabay ang cyclosporine (Sandimmune, Neoral) at gamot na steroids. ...
Side Effect:
Ang mga pinakakaraniwang side effects ay maaring magtagal o maging kabaha-bahala habang gumagamit ng Mycophenolic Acid Delayed-Release Tablets: pagkabalisa; pananakit ng likod, hindi pagdumi; diarrhea; pagkahilo; kawalan ng gana kumain; katamtamang pananakit ng tiyan, katamtamang panghihina o pagkapagod; pagkaduwal; panginginig; hirap sa pagtulog; pananakit ng tiyan; pagsusuka. Humanap ng atensyong medikal kung maranasan ang mga sumusunod na malubhang side effects habang ginagammit ang Mycophenolic Acid Delayed-Release Tablets: malubhang allergic reactions (kumpol na pamamantal; pangangati; hirap sa paghinga; paninikip ng dibidb, pamamaga ng bibig, mukha, labi, o dila); dugo sa ihi, madugo o maitim na dumi, pananapdi, pamamanhid, o pangingiliti; pagbabago sa dami ng ihi, pagbabago sa laki o kulay ng isang nunal, pananakit o malakas na tibok ng dibdib; pananakit sa tainga; pagkahimatay, mabilis, mabagal, o iregular na tibok ng puso; pagbabago sa kalagayan ng pag-iisip o damdamin (hal. , hindi normal na pag-iisip); pagpapawis sa gabi, matagalan at malubhang pananakit ng ulo o pagkahilo; matagalan o malubhang diarrhea; pagsusuka, pananakit ng tiyan; paninikip ng dibdib, makupad na pagkilos; pamamaga ng kamay, bukong-bukong, o paa; pamamaga ng mga glands; mga sintomas ng impeksyon (hal. , lagnat, pangangatog, ubo, sipon, pananakit ng lalamunan); mga sintomas ng urinary tract infection (hal. , mahirap, madalas, o masakit na pag-ihi; pananakit sa likod o babang bahagi ng tiyan); kakaibang pagdurugo o galos; kakaibang tubo mula sa balat o mga bukol; kakaibang panghihina o pagkapagod; kakaibang pababa ng timbang; kakaibang pamumutla ng balat; problema sa paningin; pagsusuka ng mukhang butil ng kape o dugo; mainit, mapula, masakit, o namamagang balat; puting batik sa bibig o lalamuman; paninilaw ng balat o mata. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay may allergies. Ipagbigay alam sa iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot o kung ikaw ay nakaranas na ng mga sumusunod na kondisyon: sakit sa bato, colitis, sakit sa tiyan. Ang gamutan gamit ang mycophenolic acid ay maaring pataasin ang panganib na ikaw ay magkaroon ng nakamamatay na kondisyon tulad ng, malubhang impeksyon, kanser, o transplant failure. Hindi inirerekomenda ang gamot na ito para sa mga nagbubuntis o nagpapasuso ng walang payo ng kanilang doktor. ...