Diphtheria, Tetanus, Acellular Pertussis
Unknown / Multiple | Diphtheria, Tetanus, Acellular Pertussis (Medication)
Desc:
Ang Diphtheria, tetanus, and acellular pertussis booster vaccine (kilala rin bilang Tdap) ay isang kombinasyong pang-imyunong ahente na ibinibigay sa pamamagitan ng turok upang pamprotekta laban sa mga inpeksyon na sanhi ng dipterya, tetano (lockjaw), at ubong-dalahit (pasigaw na ubo). Ang bakunang ito ay hindi dapat ibigay sa mga batang edad 10 at mas matanda, at sa mga adultong nabigyan na ng bakunang ito sa nakaraan. Ang bakuna ay magpapalakas o magpapataas sa proteksyon ng bata o adulto mula sa naunang dosis. Ang dipterya ay isang seryosong karamdaman at pwedeng magdulot ng hirap sa paghinga, problema sa puso, pinsala sa nerb, pulmonya, at posibleng kamatayan. Ang panganib ng mga seryosong komplikasyon at kamatayan ay mas mataas sa mga sobrang bata at mga matatanda. Ang tetano (kilala rin bilang lockjaw) ay isang seryosong sakit na nagsasanhi ng kombulsyon (sumpong) at matinding pulikat ng kalamnan na pwedeng maging sobrang lakas na pwedeng maging sanhi ng pagkabali ng buto sa gulugod. Ang tetano ay nagsasanhi ng kamatayan sa 30 hanggang 40 porsyenteng mga kaso. Ang ubong-dalahit (na kilala rin bilang pasigaw na pag-ubo) ay isang seryosong sakit na nagsasanhi ng matinding ubo na kayang sumalungat sa paghinga. Ang pertusis ay kaya ring magsanhi ng pulmonya, matagal na brongkitis, sumpong, sira sa utak, at kamatayan.
...
Side Effect:
Ang mga karaniwang epekto na tumatagal o nagiging abala: pagtatae; sakit ng ulo; katamtamang lagnat o ginaw; kaunting sakit, pamamaga, o pamumula sa bahaging pinagturuka; pagduduwal; sakit ng tiyan; pagkapagod; pagsusuka. Humingi ng agarang tulong medikal kung alinman sa mga matinding epekto ang mangyari: pamamaltos, paninigas, o paga sa pinagturukang bahagi; nasusunog, pamamanhid, o pagtusok-tusok; pagkalito; pagkahimatay; sumpong; matindi o tumatagal na pagtatae, pagduduwal, o pagsusuka; matindi o tumatagal na lagnat, ginaw, sakit ng ulo, o pagkahilo; matindi o tumatagal na sakit ng bukong-bukong; matindi o tumatagal na sakit ng kalamnan o panghihina; pamamaga ng tinurukang biniti; namamagang kulani; pagbabago sa paningin. Humingi ng agarang tulong medikal kung ikaw ay may maranasang alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdyi (pamamantal; pangangati; hirap sa paghinga; paninikip ng dibdib; pamamaga ng bibig, mukha, labi, o dila).
...
Precaution:
Bago tumanggap ng bakunang ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay hindi hiyang sa kahit anong bakuna; o kung ikaw ay may kahit anong ibang alerhiya. Bago gamitin ang gamot na ito, komunsulta sa iyong doktor o parmaseutiko kung ikaw ay mayroong: hindi kontroladong sumpong o ibang karamdaman sa sistemang nerbos (halimbawa, ensepalopatiya), kasaysayan ng matinding reaksyon sa bakuna (halimbawa, pagkaparalisa, ensepalopatiya). Bago gamitin ang medikasyong ito, sabihin sa iyong doktor o parmaseutiko ang iyong kasaysayng medikal, lalo na ng: karamdaman sa pagdurugo (halimbawa, hemopilya, mababang pleytlet), kasaysayan ng sindrom na Guilla-Barre, karamdaman sa sistemang pantabla (halimbawa, kusang hindi tinatablan na mga karamdaman, radyasyong paggagamot), pangkasalukuyang sakit/inpeksyon, sumpong (halimbawa, epilepsi na kontrolado ng gamot, febrile na sumpong), ibang karamdaman sa sistemang nerbos ( halimbawa, pagkaparalisa, pamamanhid/pagtusok-tusok, matinding pagkaantok, pagkalito), nakaraang reaksyon sa kahit anong bakuna (halimbawa, mataas na lagnat, sumpong). Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor.
...