Dextromethorphan, Guaifenesin
Unknown / Multiple | Dextromethorphan, Guaifenesin (Medication)
Desc:
Ang kombinasyong gamot na ito ay ginagamit para paginhawahin ang ubo na dulot ng pangkaraniwang sipon, brongkitis, at iba pang sakit sa paghinga. Ang Guaifenesin ay kasama sa isang klase ng gamot na kilala bilang ekspektorant. Ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagpapanipis at pagluluwag ng mga uhog sa daanan ng hangin, pinaluluwag ang pagsisikip, at ginagawang mas madali ang paghinga. Ang Dextromethorphan ay kasama sa klase ng gamot na kilala bilang tagapagpsugpo ng ubo. Ito ay gumagana sa parte ng utak (sentro ng ubo) upang bawasan ang anyaya ng pag-ubog.
Hindi ipinakita na ang mga produktong para sa ubo at sipon ay ligtas o epektibo sa mga batang mas mababa ang edad kaysa 6. Kaya naman huwag gamitin ang produktong ito upang gamutin ang sintomas ng sipon sa mga batang may mas mababang edad kaysa 6 maliban nalang kung sasabihin ng doktor. Ang ibang produkto (tulad ng matagal-tumalab na tableta/kapsul) ay hindi inirirekomenda para sa mga batang mas mababa ang edad kaysa 12. ...
Side Effect:
May ilang mga epektong maaaring mangyari pagkatapos gamitin ang gamot tulad ng:pagkahilo, pagkaantok, pag-iiba ng tiyan, at pagduduwal. Kung alin man sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin agad sa doktor o parmaseutiko. Maraming taong gumagamit ng gamot na ito ang walang seryosong epekto. Humingi agad ng medikal na atensyon kung ikaw ay nakaranas ng alinman sa mga sintomas ng seryosong reaksyong alerdye na maaaring kasama ang :pamamantal, pangangati /pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin sa tagapagbigay ng serbisyong-medikal kung ikaw ay may kahit anong uri ng alerdye. Huwag gamitin ang Dextromethorphan kung ikaw ay gumamit ng MAO inhibitor tulad ng isocarboxasid, phenelzine, rasagiline, selegline, o tranylcypromine sa nakalipas na 14 araw. Ang mga seryoso, nakamamatay na epekto ay pwedeng mangyari kung gagamitin mo ang Dextromethorphan bago mawala sa iyong katawan ang MAO inhibitor.
Tanungin ang doktor o parmaseutiko kung ligtas ba para sa iyo ang paggamit ng gamot na ito kung ikaw ay may sakit sa baga o malubhang brongkitis. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...