Diltiazem, Enalapril

Unknown / Multiple | Diltiazem, Enalapril (Medication)

Desc:

Ang medikasyong ito ay ginagamit na panggamot sa mataas na presyon ng dugo (altapresyon). Ang Diltiazem ay nasa iang kalse ng gamot na tinatawag na tagapagharang sa mga tsanel ng kaltsyum. Pinarirelaks ng Diltiazem ang iyong mga ugat (beyn at arterya), na pinapadali para sa iyong puso ang pagbomba at pagbawas ng trabaho. Ang Enalpril ay nasa isang klase ng gamot na tinatawag na tagapagpigil sa angiotensin-converting-enzyme (ACE inihibitors). Pinipigilan ng Enapril ang paghahapit (pagsisikip) ng mga ugat (maliit na ugat at arterya). ...


Side Effect:

Kung ikaw ay makaranas ng alinman sa mga sumusunod na seryosong epekto, ihinto ang paggamit ng diltiazem at enalapril at tumawag agad sa iyong doktor o humingi ng emerhensiyang medikal na paggagamot: paninilaw (paninilaw ng balat at mata); hindi pangkaraniwang mabilis o mabagal na tibok ng puso; hirap sa paghinga; abrormal na asal o sikosis; pamamaga ngiyong mga binti at bukong-bukong; kaunti o awlang ihi; sakit ng dibdib; o matinding pagkahilo o pagkahimatay. Kasama sa mga hindi masayadong seryosong epekto ay:katamtamang pagkahilo; sakit ng ubo; tuyo, nakakikiliting ubo; pamumula; hindi makatulog at makulay na mga panaginip; pagkamanhid o pagtusok-tusok ng mga kamay, paa, braso, o binti; pagduduwal, konstipasyon o pagtatae; panghihina o pagod; o pamamantal. Humingi ng agarang atensyong medikal kung ikaw ay makaranas ng alinmang sintomas ng seryosong reaksyong alerdyi (pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng labi, dila, o mukha, o pamamantal). ...


Precaution:

Bago gamitin ang diltiazem and enalpril na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerhiya. Bago gamitin ang diltiazem and enalapril na ito, ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong sakit sa atay; sakit sa bato; karamdamang koladen baskular; ibang sakit sa puso o ugat, tulad ng sindrom na sick sinus, aortikong stenosis, kondyestib na pagpapalya ng puso, bara sa puso, o mababang presyon ng dugo; o kung ikaw ay gumagamit ng mga pamalit sa asin, suplementong potasa, o diuretikong potasa-pagtitipid tulad ng amiloride, triamterene or spironolactone. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».