Emtricitabine, Tenofovir - oral
Unknown / Multiple | Emtricitabine, Tenofovir - oral (Medication)
Desc:
Ang kombinasyon ng Emtricitabine at Tenofovir – oral ay ginagamit upang gamutin ang HIV, na nagsasanhi ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Ang Emtricitabine at tenofovir ay hindi lunas sa HIV o AIDS. Ang Emtricitabine at tenofovir ay mga gamot na pangontra mikrobyo na gumagawa sa pamamagitan ng pagpipigil ng mga selula ng HIV (human immunodeficiency virus) sa pagpaparami sa katawan. ...
Side Effect:
Ang mga seryosong epekto ay maaaring may kasamang: mga senyales ng pinsala sa atay- pagduduwal, sakit ng tiyan, mababang lagnat, kawalan ng ganang kumain, ihing madilim ang kulay, mga duming kulay putik, paninilaw (paninilaw ng balat o mga mata); dumalas na pagkauhaw at pag-ihi, kawalan ng ganang kumain, panghihina, konstipasyon; pag-ihi ng mas kaunti kaysa karaniwan; o mga senyales ng inpeksyon tulad ng lagnat, ginaw, sugat sa balat, o ubong may kasamang dilaw o berdeng mukosa. Humingi ng agarang tulong medikal kung ikaw ay mayroong kaunting mga sintoma ng lactic acidosis, tulad ng: sakit ng kalamnan o panghihina; manhid o malamig na pakiramdam ng iyong mga braso o binti; hirap sa paghinga; pagkahilo, pagod, o sobrang hina; sakit ng tiyan, pagduduwal na may kasamang pagsusuka; o mabagal o hindi pantay na tibok ng puso. Kumuha ng emerhensiyang tulong medikal kung ikaw ay mayroong alinman sa mga senyales ng reaksyong alerdyi: pamamantal; hirap sa paghina; pamamaga ng iyong mukha, labi, dila, o lalamunan. ...
Precaution:
Bago gamitin ang Emtricitabine at tenofovir, sabihin sa iyong doktor kung ikaw ay mayroong: sakit sa atay; sakit sa bato; osteopenia (mababang densidad ng mineral sa buto); o kung ikaw ay mayroong inpeksyong hepataitis B. Mahalagang regular na gamitin ang gamot na ito upang makuha ang pinakamaraming benepisyo. Huwag gamitin ang medikasyong ito kasama ng ibang mga gamot na mayroon ding lamang emtricitabine o tenofovir (Atripla, Emtriva, Viread), o lamivudine (Combivir, Epivir, Epzicom, or Trizivir). Ang Emtricitabine and tenofovir ay hindi inaasahang nakasasama sa mga hindi pa naisisilang na sanggol. Habang buntis o nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso ng doktor. ...