Cantil
Faes Farma | Cantil (Medication)
Desc:
Ang cantil/mepenzolate ay ginagamit kasama ng ibang mga gamot upang magamot ang peptic ulcers. Nagiging epektibo ito sa pamamagitan ng pagpapalabas ng asido sa tiyan. Uminom ng mepenzolate ng hindi bababa sa 1 oras bago kumuha ng antacids. Ipagbigay-alam sa iyong doktor kung ang iyong kondisyon ay nagpatuloy o lumala. Inumin ang medisinang ito gamit ang bibig, madalas na 4 na beses inumin araw-araw (tuwing kakain at sa pagtulog) o ayon sa iyong doktor. Ang dosis ay batay sa iyong medikal na kondisyon at tugon sa therapy. ...
Side Effect:
Maaaring makaranas ng panunuyo ng lalamunan, pagdalang na pagpapawis, pagkahilo, pagkaantok, paglabo ng paningin, panlalaki ng balintataw, pagduduwal/pagsusuka, o tibi. Agarang humingi ng atensiyong medikal kung makaranas ka ng anumang mga malubhang reaksyong alerdyi katulad ng:pantal, pangangati/pamamaga (lalo na sa mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, problema sa paghinga. ...
Precaution:
Hindi ka dapat uminom ng gamot na ito kung ikaw ay alerdyik sa mepenzolate, o kung mayroon kang:problema sa pag-ihi; bara sa bituka, paralytic ileus, malubhang ulcerative colitis, toxic megacolon; glaucoma; o myasthenia gravis. Kung mayroon ka pang ibang mga kondisyon, maaaring mangailangan ka ng pagpapasasaayos ng dosis o mga espesyal na pagsusuri upang ikaw ay ligtas na uminom ng Cantil:pagtatae (lalo na kung mayroon kang isang colostomy o ileostomy); pamamanhid o paninigas ng iyong mga kamay o paa; sakit sa atay o bato; ulserative colitis;napakaaktibong teroydeo; pagkabigo ng puso, sakit sa ritmo ng puso, o coronary artery disease; mataas na presyon ng dugo (hypertensyon); hiatal hernia o sakit sa reflux acid; isang malaking prosteyt; o hika o anumang mga alerdyi. Hindi nirerekomenda ang paggamit ng gamot na ito sa panahon ng pagbubuntis o pagpapasuso nang walang payo ng iyong doktor. ...