Cardura
Pfizer | Cardura (Medication)
Desc:
Ang Cardura/doxazosinmesylate ay parte ng grupo ng mga gamot na tinatawag na alpha-blockers. Ginagamit ito para sa altapresyn o sa pagamot ng paglaki ng prostata ng mga kalalakihan. Sa mga pasyenteng gumagamit ng Cardura para mataas na presyon ng dugo (altapresyon) ang gamot na ito ay gumagana sa pamamagitan ng pagpaparelax ng mga ugat para makadaan ng maayos ang dugo. Tumutulong ito sa pagpapababa ng presyong ng dugo. Sa mga pasyenteng lumalaki ang prostata, tumutulong ang Cardura sa pagamot ng madalas o pabalik-balik na pag-ihi. Ito ay karaniwan sa mga pasyenteng lumalaki ang prostata. Ang Cardura ay tumutulong sa pagpaparelax ng kalamnan para mailabas ang ihi ng mas maayos. ...
Side Effect:
Ang karaniwang hindi inaasahang epekto ng Cardura ay:mababang presyon ng dugo; pagkahilo; vetigo; sakit ng ulo; pamamaga ng paa; pagdududuwal; pagsusuka; sipon (rhinitis, impeksyon sa daanan ng ihi; impeksyon sa baga; mabilis na tibok ng puso; bronchitis; ubo; hirap sa paghinga; panunuyo; problema sa pagtunaw tulas ng sakit sa tiyan; hirap sa pagtunaw; pangangati; sakit ng likod at mga kalamnan; cystitis; hindi mapigilang pag-ihi). Common side effects may include:low blood pressure; dizziness; vertigo; headache; drowsiness; swelling of legs; nausea; runny nose (rhinitis; urinary tract infections; respiratory tract infections; palpitations, rapid heart rate; bronchitis, coughing, difficulty breathing; dry mouth; digestive disorders such as abdominal pain, difficult digestion; itchy skin; back pain, muscle pain; cystitis, urinary incontinence. ...
Precaution:
Huwag gumamit ng gamot na ito kung ikaw ay may allergy sa dozazosin o mga gamot tulad ng alfuzosin, prazosin, silodosin, tamsulosin, or terazosin. Kung ikaw ay may sakit sa atay o kanser sa prostata, maaaring baguhin ang dosis ng gamot para mas maging ligtas ang pag-inom ng doxazosin. Ang Cardura/doxazosin ay maaaring makaapekto ng balintataw ng mata habang sumasailalim sa cataract na operasyon. Huwag itigil ang pag-inom ng doxazosin bago ang operasyon maliban na lang kung may payo sa doktor. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...