CCBs

The Medicines Company | CCBs (Medication)

Desc:

Ang CCBs ay ginagamit sa pagamot ng altapresyon, paninikip ng dibdib at abnormal na tibok ng puso (atrial fibrillation, paroxysmal supraventricular tachycardia). Ginagamit din ito pagkatapos ng atake sa puso, lalo na sa mga pasyenteng hindi kaya ang beta-blockers na gamot, o may atrial fibrillation, o ginagamot ang paninikip ng dibdib. Hindi tulad ng Beta-blockers, ang CCBs ay walang pinapakita na nagpapababa ito ng pagkamatay o dagdag na atake sa puso. Ang CCBs ay kasing epektibo ng ACE inhibitors na nagpapababa ng presyon ng dugo, pero hindi magkasing epektibo sa pagamot ng sakit sa bato dulot ng mataas na presyon ng dugo o diyabetis. Ginagamit din ito sa pagamot ng: pulmonary hypertension, Raynaud's syndrome, cardiomyopathy, at subarachnoid hemorrhage. Ginagamit din ang CCBs para maiwasan ang sakit ng ulo. ...


Side Effect:

Ang karaniwang hindi inaasahang epekto ng CCBsay pagtitibi, pagduduwal, sakit ng ulo, pantal, pamamanas (pamamaga ng paa na may kasamang tubig), mababang presyon ng dugo, pagkahilo. Problema sa atay o pamamaga ng gilagid ay maari ring mangyari. Kung ang diltiazem o verapamil ay binigay sa nagkaroon ng heart failure, ang sintomas ng nasabing sakit ay maaaring lumala dahil ang gamot na ito ay nagpapahina ng pagbomba ng dugo mula sa puso. Katulad ng ibang gamot sa altapresyon, ang CCBsay nuugnay din sa problema sa pagtatalik. ...


Precaution:

Bago gumamit ng gamot na ito, sabohan ang iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi. Sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng:kidney disease, colitis, o problema sa tiyan. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».