Cefixime
Beximco Pharmaceuticals Ltd | Cefixime (Medication)
Desc:
Ang Cefixime ay kasama sa malaking grupo ng mga gamot sa tinatawag na cephalosporin antibiotics na pumipigil sa paglaki ng bakterya. Ang gamot na ito ay para sa impeksyong dulot ng bakterya tulad ng pulmonya; bronchitis; gonorrhea; impeksyon sa tainga, baga, lalamunan at daanan ng ihi. Uminom ng gamot na ito isang beses o kada 12 na oras (2 beses sa isang araw) sa loob ng 5-14 na araw, batay sa payo ng iyong doktor. Huwag taasan ang dosis o dalasan ang pag-inom kung walang payo ng iyong doktor. Ang Cefixime ay gamot lamang sa bakterya na impeksyon, hindi ito gumagana sa virus tulad ng sipon o flu. ...
Side Effect:
Kung ang ilan sa mga ito ay nararanasan, humingi agad ng tulong sa iyong doktor:pantal, pangangati, hirap sa paghinga, saradong lalamunan, pamamaga na labi, dila at mukha; basa at may dugo ang dumi; lagnat; masakit ng kasukasuan, pamamalat; pamamanas ng kamay at pass; mabilis na tibok ng puo; paninikip ng dibdib, hirap sa paghinga. Ang hindi gaanong seryosong epekto ay:pagduduwal, sakit ng tiyan, pagtitibi, kawalan ng ganang kumain; pagkabahal; madalas na pag-ihi sa gabi; sipon; pamamaga ng lalamunan; pangangati ng ari. Kung ilan sa mga ito ay lumala, tawagan agad ang iyong doktor. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi. Sabihan ang iyong doktor kung may iniinom kang ibang gamot o kung ikaw ay may:sakit sa bato o atay, colitis, problema sa tiyan. Dahil ang Cefiximeay maaaring maging sanhi ng pagkahilo, ipinagbabawal ang pagmamaneho o gumamit ng mabibigat na makinarya para maging ligtas. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...