Colestipol
Pharmacia Limited | Colestipol (Medication)
Desc:
Pinapababa ng Colestipol ang lebel ng kolesterol sa dugo, na tinatawag na LDL (low-density lipoprotein) na kolesterol. Ito ay magpapababa ng tsansa ng pagtigas ng mga ugat na puwedeng maging sanhi ng atake sa puso, stroke, at problema sa sirkulasyon. Ang Colestipol ay kadalasang nireresita ng 2-4 dosis pero puwede ring isang beses sa isang araw. Ang dosis para sa matatanda ay 2-16g ng tableta 1-2 beses sa isang araw, o 5-30g ng granula isang beses o 4 na beses sa isang araw. Ang Colestipol ay ginagamit kasabay ang pag dyedyeta para magamot ang mataas na lebel ng kolesterol sa dugo. ...
Side Effect:
Humingi agad ng medikal na atensyon kung makakaranas ng mga sintomas ng alerdyi tulad ng:pantal, pangangati/pamamaga (sa mukha/dila/lalamunan), pagkahilo, hirap sa paghinga. Pagtitibi, sakit sa tiyan/pagmamanhid, hangin, pagduduwal, pagsusuka ay maaaring maranasan. Kung ang mga epektongito ay lumala, sabihan agad ang iyong doktor o parmasyutiko. Para maiwasan ang pagtitibi, panatilihing may fiber sa dyeta, uminom ng maraming tubig, at mag- ehersisyo. ...
Precaution:
Dahil ang gamot na ito ay maaaring maging sagabal sa pagsipsip ng katawan sa mga bitamina (bitaminang A, D, E, K) na iniinom ng pangmatagalan, maaaring payuhan ka ng iyong doktor ukol nito. Bago gamitin ang gamot na ito, sabihan agad ang iyong doktor o parmasyutiko kung ikaw ay may mga sakit tulad ng:hirap sa paglulon, kondisyon sa sikmura/bituka, sumailalim sa operasyon, pagtitibi, almuranas. ...