Col - Rite
Purdue Pharma | Col - Rite (Medication)
Desc:
Ang Col - Rite/docusate ay isang pampalambot ng dumi. Pinapadali nito ang pagdumi para mapalabas ng mabilis. Ginagamit din ito para sa matitigas na dumi, at maibsan ang sakit o pinsala sa tumbong dahil sa matigas na dumi.
Ang mga pangpalambot ng dumi tulad ng docusate ay unang paraan para maiwasan o gamutin ang isang uri ng pagtitibi. Ang docusate ay kadalasang ginagamit kung pinipuwersa ang paglabas ng dumi ay dapat iwasan (pagkatapos ng atake sa puso o operasyon). ...
Side Effect:
May mga epekto ring puwedeng mangyari pagkatapos gamitin ang gamot na ito tulad ng:sakit ng tiyan, pagtatae, o pulikat. Iritasyon sa lalamunan (likido o syrup na uri) ay puwedeng mangyari. Kung ang mga nasabing epekto ay lumalala, sabihan agad ang iyong doktor o parmasyutiko. Humingi agad ng medikal na atensyon kung makakaranas ng mga sintomas ng alerdyi tulad ng:pantal, pangangati/pamamaga (sa mukha/dila/lalamunan), pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Hindi dapat gamiting ang Col - Rite kung may alerdyi sa docusate o kung may pagbabara sa bituka. Huwag gamitin ang docusate kung ikaw ay may naduduwal, pagsusuka, sakit ng tiyan. Huwag gumamit ng mineral oil habang gumagamit ng docusate maliban na lang kung may payo ng doktor. Tanungin ang iyong doktor o parmasyutiko bago gumamit ng Col - Rite kung ikaw ay may mababang lebel ng asin sa dyeta, kung ikaw ay buntis o nagpapasuso, o kung ikaw ay may nararamdamang biglaang pag-iba ng dalas ng pagdumi na tumatagal ng mahigit 2 linggo. ...