Comvax
Merck & Co. | Comvax (Medication)
Desc:
Ang Comvax ay isang bakuna para maiwasan ang impeksyon dulot ng Haemophilus influenzae type B na bakterya at virus na hepatitis B. Pinapataas nito ang resistensya ng katawan laban sa Haemophilus influenzae type B na bakterya at hepatitis B na virus. Ang Comvax ay ginagamit ng mga batang nasa 16 linggo at 15 buwan pa lamang. Ang Comvax na bakuna ay binibigay sa pamamagitan ng iniksyon ng mga manggagawa sa ospital o klinika. ...
Side Effect:
Ang karaniwang epekto nito pamumula, sakit, pamamaga, o matigas na bukol sa bahagi ng iniksyonan; pagtatae, kawalan ng ganang kumain, bahagyang pagsusuka; sakit sa kasukasuan, sakit ng katawan, lagnat. Kung ilan sa mga ito ay gumagrabe, dalhin na ang bata at humanap ng medikal na atensyon. Ang mga seryosong epekto ay:allergy; hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, labi, dila o lalamunan; pagkaantok, pagkahimatay, pagkairitable, seizure; mataas na lagnat. Kung isa sa mga ito ay nararanasan ng iyong anak, humanap agad ng medikal na tulong. ...
Precaution:
Bago uminom ng gamot na ito ipagpaalam muna sa iyong doktor kung ang iyong anak ay may mga allergy. Ipagpaalam din kung ang bata ay umiinom ng gamot sa:multiple sclerosis, epilepsy, pagdurugo o disorder sa dugo; allergy sa latex na goma, mahinang resistensya dulot ng sakit, bone marrow transplant, o gamot sa kanser; umiinom ng gamot para maging malabnaw ang dugo tulad ng warfarin. Ang bata ay hindi puwedeng bigyan ng bakunang ito kung siya ay ginagamot para sa kanser tulad ng chemotherapy or radiation sa loob ng 3 buwan. ...