Condylox
Oclassen Pharmaceuticals | Condylox (Medication)
Desc:
Ang Condylox/podofilox ay ginagamit para maalis ang mga kulugo sa labas na bahagi ng balat ng ari (ari ng lalaki o vulva). Ang gel nito ay ginagamit para magamot ang kulugo sa gitna ng ari at tumbong, pero ang likido ay hind nakakagamot. Ang gel o ang likido ay hindi nakakagamot ng kulugo na nasa loob tumbong, ari o daanan ng ihi. Ang gamot na ito ay pinapahg lang. Ipahid ito sa bahagi ng kulugo na nirekomenda ng doktor. Karaniwan itong pinapahid sa umaga at gabi sa loob ng 3 araw at may 4 na araw ng pahinga pagkatapos. Kung ang mga kulugo ay hindi nawawala, ulitin lang ang ginawa ng hanggang 4 na beses. Tawagan ang iyong doktor kung ang kulugo ay hindi pa rin nawala sa loob ng 4 na linggo ng pagamot. ...
Side Effect:
Ang mga hindi inaasahang epekto ay:bahagyang iritasyon sa balat, sakit at padurugo, panunuyo, pamamalat, pamamaga ng balat kung saan pinahid ang gamot; problema sa pagtulog (insomnia); mabahong amoy ng balat; pagduduwal; pagsusuka; sakit sa tuwing nagtatalik. Pamamaga, sakit, pagiinit, pamamalat ng balat, maliliit na sugat, sakit ng ulo. Kung ang mga epektong ito ay lumalala, sabihan agad ang iyong doktor o parmasyutiko. Sabihan agad ang dokotr kung may pagdurugo. ...
Precaution:
Hindi dapat gamitin ang Condylox kung ikaw ay may alerdyi sa podofilox. Huwag itong gamitin kung ang kulugo ay hindi pa nakikita ng doktor. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...