Coreg
GlaxoSmithKline | Coreg (Medication)
Desc:
Ang Coreg/carvedilol ay ginagamit sa bahagya-malalang sakit sa puso o dulot ng cardiomyopathic, karaniwan sinasabay sa isang diuretic, ACE inhibitors, at digitalis para tumaas ang tsansang mabuhay at maiwasan ang pagdala sa ospital. Inumin ang gamot na ito pagkatapos kumain, 2 beses sa isang araw, o batay sa payo ng iyong doktor. Ang dosis ay base sa iyong medikal na kondisyon at responde sa paggamot. ...
Side Effect:
Ang karaniwang hindi inaasahang epekto ng gamot na ito ay:pagbaba ng interes sa pagtatalik, pagkabaog; hirap sa pagtulog; pagkapagod; pagkabahala at nerbyos. Kung ang mga ito ay lumala, tawagan agad an iyong doktor. Ang mga seryosong epekto ay:pagkahilo; hirap sa paghinga; pamamaga ng paa; pagduduwal; sakit ng tiyan; mababang lagnat; kawalan ng ganang kumain; kulay-abo na dumi; paninilaw; depresyon; malamig na kamay at paa. Humingi agad ng medikal na atensyon kung makakaranas ng mga sintomas ng alerdyi tulad ng:pantal, pangangati/pamamaga (sa mukha/dila/lalamunan), pagkahilo, hirap sa paghinga. ...
Precaution:
Bago uminom ng Coreg sabihan ang iyong doktor sa iyong kondisyon:hika o problema sa baga (bronchitis or emphysema); problema sa pagdaloy ng dugo sa may paa (peripheral vascular disease); diyabetis; problema sa teroydeo; kondisyon na tinatawag na pheochromocytoma; malalang alerdyi; sasailalim sa operasyon sa cataract o kung umiinom na ng Coreg. Sabihan ang iyong doktor sa mga gamot na iniinom mo, mga nireseta o hindi tulad ng bitamina o herbal na suplemento. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...