Cortenema
Solvay | Cortenema (Medication)
Desc:
Ang Cortenema/hydrocortisone ay isang steroid na gamot na nagpapababa ng pamamaga ng katawan. Ginagamit ito sa almuranas at pangangati o pamamaga ng tumbong dulot ng almuranas o iba pang kondisyon sa tumbong, at kasama ang iba pang gamot para sa ulcerative colitis, proctitis, at pamamaga ng bituka. Gamitin ang gamot na ito sa tumbong lang, base sa payo ng iyong doktor. Huwag itong inumin. ...
Side Effect:
Ang mga karaniwan at hind seryosong mga epekto ay:sakit sa may tumbong; tagihawat; pagbabago ng regla; mabilis na pagtaas ng buhok sa mukha at katawan. Kung ang mga sintomas na ito ay lumala, tawagan agad ang iyong doktor. Mas seryosong epekto na nangangailangan ng agarang lunas:alerdyi; hirap sa paghinga; pamamaga ng paa; panghihina ng kalamnan; pagtaas ng timbang; sakit at pagdurugo sa may tumbong; malalang sakit ng tiyan; biglaang pagsakit ng ulo at mata; seizure (kombulsyon). ...
Precaution:
Bago gamitin ito, sabihan muna ang iyong doktor kung may alerdyi. Sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay gumagamit ng ibang gamot o kung ikaw ay may:congestive heart failure; dating may tuberculosis; sugat sa sikmura o diverticulitis; colostomy or ileostomy; lagnat o impeksyon; sakit sa bato; altapresyon; diyabetis o myasthenia gravis. Kung nagbubuntis o nagpapasuso, hindi rekomendado ang pag inom nito kung walang gabay ng iyong doktor. ...