Cromolyn
Unknown / Multiple | Cromolyn (Medication)
Desc:
Ang Cromolyn ay tinatawag na mast cell stabilizer sa traditional na panahon at kadalasang tinatawag na sodium salt sodium cromoglicate o cromolyn sodium. Ang gamot na ito ay pumipigil para hindi malabas ng mast cells ang histamine. Ang Cromolynay ginagamit para maiwasan ang sintomas ng hika. Kung gagamitin ito ng madalas, mapapababa nito ang dami at lala ng hika sa pamamagitan ng pagpapababa ng pamamaga ng baga. Ginagamit din ang Cromolyn bago ma expose sa iba't-ibang kondisyon o sangkap (ehersisyo, pollens, aspirin, mga kemikal, malamig na panahon, polusyon sa hangin) na puwedeng maging sanhi ng bronchospasm (wheezing o hirap sa paghinga). Ang Cromolyn ay hindi makakapigil sa pagkakaroon ng hika o bronchospasm na nagsimula na. ...
Side Effect:
Humingi agad ng medikal na atensyon kung makakaranas ng mga sintomas ng alerdyi tulad ng:pantal, pangangati/pamamaga (sa mukha/dila/lalamunan), pagkahilo, hirap sa paghinga. Bago gumamit ng gamot na ito, sabohan ang iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi. Sabihan ang iyong doktor kung may:paninikip ng dibdib pagkatapos langhapin ang gamot; pantal sa balat; pasa; pagmamanhid; sakit; panghihina ng kalamnan; lagnat; pamamaga ng glandula; pangangati; masamang pakiramdam. Ang mga hindi seryosong epekto ay:panunuyo o iritasyon sa lalamunan, ubo, pagbabahing, pangangati sa ilong, madalas na pag-ihi, pagduduwal, pagsusuka, sakit ng ulo, hindi kanais-nais na panlasa. ...
Precaution:
Bago gumamit ng gamot na ito, sabohan ang iyong doktor kung ikaw ay may alerdyi sa cromolyn o iba pang alerdyi. Ang gamot na ito ay may sangkap na preservatives tulad ng benzalkonium chloride. Kumonsulta ng doktor kung ikaw ay may problema sa:hika, bukol sa loob ng ilong (nasal polyps). Sabihan ang iyong doktor bago gumamit ng gamot na ito kung ikaw ay makakaranas ng:lagnat, pag-iba ng kulay na likido sa ilong, sakit, wheezing. Hindi pa tukoy kung ang gamot ay nasasalin sa gatas m,ula sa suso kaya magpakonsukta muna. ...