A - Hydrocort

Hospira | A - Hydrocort (Medication)

Desc:

Ang A-hydrocort ay ginagamit sa paggamot ng iba't ibang mga kondisyon tulad ng malubhang reaksiyong alerdyi, sakit sa buto, sakit sa dugo, problema sa paghinga, ilang uri ng kanser, sakit sa mata, sakit sa bituka, at sakit sa balat. Binabawasan nito ang depensa ng iyong katawan laban sa sakit at binabawasan ang mga sintomas tulad ng pamamaga at mga reaksiyong allerdyi. Ang Hydrocortisone ay isang Corticosteroid Hormone (Glucocorticoid) na binibigay ng iyong Adrenal Glands. Ang uri ng iniksyon na ito ng hydrocortisone ay ginagamit kapag ang isang katulad na gamot ay hindi maaaring inumin o kapag kinakailangan ng mabilis na lunas, lalo na sa mga pasyente na may malubhang kondisyong medikal. Ang gamot na ito ay maaari ring magamit sa iba pang mga gamot bilang kapalit ng ilang mga hormone. ...


Side Effect:

Mga karaniwang epekto tulad ng:pagsakit ngtiyan, sakit ng ulo, pagkahilo, pagbabago ng regla, problema sa pagtulog, maganang pagkain, pagtaas ng timbang, o sakit / pamumula / pamamaga sa lugar ng iniksyon. Kaagad na ipagbigay-alam sa iyong doktor kung mayroon kang anumang mga malubhang epektong nararamdaman, kabilang ang:sakit sa buto / kasukasuan, madaling pagkasugat / pagdurugo, itim na dumi, pagsusuka na mukhang kape, malubhang sakit sa tiyan /sakit ng sikmura, laging uhaw /madalas na pag-ihi, mabilis / mabagal /kumakabog / hindi regular na tibok ng puso, hirap sa paghinga, pamamaga ng mga bukung-bukong / paa, sakit ng mga litid sa paa, patuloy na pagtaas ng timbang, namamagang mukha, hindi pangkaraniwang paglago ng buhok, pagnipis ng balat, mabagal na paggaling ng sugat, mga palatandaan ng impeksyon (halimbawa, patuloy na lagnat / ubo / sakit sa lalamunan , hirap sa pag-ihi, sakit sa mata / pagmumuta), kahinaan / sakit ng kalamnan, mga pagbabago sa pag-iisip / kalooban (halimbawa, mga pagbabago sa kalooban, pagkalungkot, pagkabalisa), mga pagbabago sa paningin, mga seizure, hindi pangkaraniwang tumutubo sa balat. ...


Precaution:

Mariing pagiingat sapagamot ng drug-induced Secondary Adrenocortical Insufficiency ay maaaring mabawasan sa pamamagitan ng unti-unting pagbawas ng dosis. Ang ganitong uri ng kakulangan ay maaaring magpatuloy ng ilang buwan pagkatapos ng pagtigil ng pagagamot; Samakatuwid, anumang uri ng stress na nagaganap sa panahon na iyon, ang pagagamot ng hormone ay dapat na muling ipagpatuloy. Maaaring ang kakayanan ng katawang magbigay ng Mineralocorticoid atapagtgo maaaring may tumigil, asin at / o anumang uri ngmineralocorticoid ay dapat na ibigay nang sabay-sabay. Mayroong mahusay na epekto ng Corticosteroids sa mga pasyente na may Hypothyroidism at sa mga may Cirrhosis. Ang mga Corticosteroids ay dapat gamitin nang maingat sa mga pasyente na may Ocular Herpes Simplex upang maiwasan ang pagkasira ng cornea. Ang pinakamababang posibleng dosis ng corticosteroid ay dapat gamitin upang makontrol ang kondisyon habang kasalukuyang naggagamot at kapag posible ang pagbawas sa dosis, ang pagbawas ay dapat na unti-unti. Ang mga pagkagulo sa sikolohikal ay maaaring mangyari kapag ginagamit ang mga corticosteroids, mula sa Euphoria( nakakaramdam ng sobrang tuwa), hindi pagkakatulog, pagpapalit-palit ng kalooban, mga pagbabago sa pagkatao, at malubhang pagkalungkot, at maari ding pagkasira ng pag-iisip. Gayundin, ang umiiral na emosyonal na pag-iisip o pagkawala sa sarili ay maaaring mapalala ng mga corticosteroids. Ang aspirin ay dapat gamitin nang maingat na kasabay ng Corticosteroids sa Hypoprothrombinemia. Sa panahon ng pagbubuntis at pagpapasuso ay hindi inirerekomenda na gamitin ang gamot na ito nang walang payo at gabay ng iyong doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».