Dabigatran

Boehringer Ingelheim | Dabigatran (Medication)

Desc:

Ang Dabigatran ay isa sa mga klase ng anticoluagant (pampalabnaw ng dugo) na gamot na kung tawagin rin ay direktang thrombin inhibitors. Ang Dabigatran ay ginagamit upang maiwasan ang atakeng serebral o malubhang pamumuo ng dugo sa tao na mayroong atriyal na pibrilasyon (ilang kondisyon kung saan may irregular na pagtibok ng puso, at may mataas na posibilidad na magkaroon ng pamumuo ng dugo sa katawan, at possibleng magsanhi ng atakeng serebral) na walang sakit sa balbula ng puso. Gumagana ito sa pamamagitan ng pagpigil ng pamumuo ng dugo sa katawan. Ito ay pinag-aaralan sa ilang klinika at kung minsan, ito ang ginagamit na alternatibo sa warfarin bilang iniinom na anticoagulant (pampalabnaw ng dugo) dahil hindi nito kinakailangan ang madalas na pagpapa-eksamin ng dugo para sa pagmumonitor ng internasyonal na normalized ratio (INR) habang nagbibigay ito ng katulad na resulta. Ang Dabigatran ay nasa kapsula na maaring inumin gamit ang bibig. Ito ay kadalasang iniinom kahit na kumain ka o hindi dalawang beses sa isang araw. Inumin ang Dabigatran sa kaparehong oras araw-araw. Sundin ang mga direksyong nasa reseta, at tanungin ang doktor o parmasiyutiko ng mga bahaging hindi mo naintindihan. Inumin ang Dabigatran ng eksakto sa direksyong ibinigay. Huwag iinom ng mas marami o kaunti o mas madalas sa sinabi ng doktor. ...


Side Effect:

Sabihan ang doktor kung meron ka ng kahit ano sa mga sintomas na ito na malubha o ayaw maalis:pananakit ng tiyan; pangangasim ng tiyan; pagsusuka. Ang mga epektong hermatolodyik ay intraokular, intrakranyal, intraspanyal o intramaskular na mayroong kompartment na sindrom, pagdurugong retroperitonyal , intraartikular, o perikardyal. Ang intrakranyal na pagdurugo ay may kasamang intraserebyal (hemoradyik na atakeng serebral ), subaraknoyd, at subdural na pagdurugo. Ang epektong gastrointestinal ay impatso (kasama ang pananakit ng bandang itaas na bahagi ng tiyan, pananakit ng tiyan, pagkabalisa ng tiyan, at hindi kaginhawahang epigastrik) at ang sintomas na katulad ng sa kabag (kasama ang GERD, esophagaitis, erosib na gastraitis, gastrik na pagdurugo, hemoradyik na gastraitis, hemoradyik at erosib na gastraitis, at gastrointestinal na ulser). Ang epekto dahil sa sobrang pagkasensitibo ay tagulabay, pamamantal,at pruritas, alerdyik na edema, anapilaktik na reaksyon, at anapilaktik na pagkagulat. ...


Precaution:

Bago inumin nag Dabigatran, ipagbigay-alam muna sa doktor at parmasyutiko kung meron kang anumang uri ng alerdye. Sabihin sa doktor at parmaseutiko kung anong meron ka at walang resetang gamot, bitamina, suplementong nutrisyunal, at produktong herbal ang iyong iniinom o iinumin palang. Sabihan ang iyong doktor kung meron kang napapansin na pagpapasa o pagdurugo kamakailan lamang. Ang doktor ang magsasabi sayo kung maari mong inumin ang Dabigatran. Sabihan ang iyong doktor kung ikaw ay 75 edad o pataas; kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng problema sa pagdurugo, pagdurugo o ulser sa iyong tiyan o bituka; o sakit sa bato. Habang buntis o nagpapasuso, hindi nirirekomendaang paggamit ng gamot na ito kung walang abiso sa doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».