Danaparoid - injection
Unknown / Multiple | Danaparoid - injection (Medication)
Desc:
Ang Danaparoid ay ginagamit upang pigilan ang pamumuo ng dugo, lalo na sa mga pasyenteng nagkaroon o mayroong masamang reaksyon sa heparin. Ang pagpigil sa masamang pamumuo ng dugo ay maaaring magpababa ng pagkakaroon ng atakeng serebral o atake sa puso. Ang gamot na ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng pagturok sa balat (sa ilalim ng balat) ng isang pangkalusugang propesyonal, kadalasan dalawang beses matapos ang operasyon. Mahalaga na ibahin ang parte na pinagtuturukan upang malimitahan ang pagkairita. Sa ilang kondisyon, ang gamot na ito ay direktang itinuturok sa ugat ng isang pangkalusugang propesyonal. ...
Side Effect:
Ang matinding epekto ng gamot na ito ay madalang. Ngunit, humingi ng tulong-medikal kung ikaw ay may mapansin na anuman sa malubang reaksyong alerdyi, kasama ang:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo ng mukha/dila/lalamuna),matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Ang pagduduwal, hindi makadumi, lagnat, panghihina, o sakit/pamumula/iritasyon sa parte na pinagturukan ay maaaring maganap. ...
Precaution:
Limitahan ang pag-inom ng alak habang nasa gamutang ito dahil pinapataas nito ang posibilidad ng pagdurugo ng tiyan. Bago ang operasyon, sabihin sa iyong doktor o dentista na ikaw ay gumagamit ng Danaparoid. Bago ang gamutang ito, sabihin sa doktor o parmaceutiko ang iyong medikal na kasaysayan, lalo na ng:artipisyal na balbula ng puso, pagdurugo/pamumuo ng dugo, problema sa mata (hemoradyik o diyabetikong retinopatiya), hindi kontroladong altapresyon, inpeksyon sa puso, sakit sa bato, sakit sa atay, problema sa tiyan/bituka. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...