Dantrium

Pfizer | Dantrium (Medication)

Desc:

Ang Dantrium/Dantrolene ay ginagamit upang gamutin ang isang tao na nakakaranas ng malubhang hypertemya. Ito rin ay maaaring gamitin bago ang operasyon sa mga taong may malubhang hypertemya at para sa mga susunod na gamutan sa kondisyong ito. Ang malubhang hypertemya ay isang sakit na mayroong paninigas ng kalamnan at labis na pagtaas ng temperatura sa katawan na maaaring sanhi ng reaksiyon dahil sa anestesya. Kung hindi gagamutin, ang malubhang hypertemya ay maaring maging sanhi ng kamatayan. ...


Side Effect:

Ang kadalasang epekto ng Dantrium ay ang pagkaantok, pagkahilo, panghihina, pagkakaroon ng karamdaman, pagod at pagtatae. Ang mga ito ay kadalasang nagbabago, nangyayari kaagad ito habang naggagamot, at kadalasang pinapawi mula sa mababa hanggang sa paunti-unting pataas na dosishanggang sa maabot ang pinakamainam. Ang pagtatae ay maaring lumala na kinakailangang itigil muna ang terapiyang Dantrium. Kung babalik ang pagtatae sa muling paggamit ng Dantrium, ang terapiya ay dapat ng tuluyang itigil. ...


Precaution:

Sa paggamit ng Dantrium, sabihan ang tagapagbigay ng serbisyong medikal kung ikaw ay allergic sa Dantrolene o sa kahit anong sangkap ng gamot. Sabihin sa doktor kung ikaw ay may partikular na pulikat ng kalamnan (na sa opinyon ng doktor ay makakatulong sa pagpapataas o pagpapanatili ng abilidad ng tao na gumalaw); aktibong sakit sa atay (tulad ng hepataitis o sirosis); mahinang paggawa ng baga (tulad ng obstraktib na sa pulmonyang sakit). Ang pag-iingat ay kailangang isaalang-alang upang maiwasan ang pagdami ng solusyon ng Dantrium sa mga nakapaligid na tisyu dahil sa mataas na pH na namumuo sa ugat at posibleng nekrosis sa tisyu.

Kung ang mannitol ay ginamit upang pigilan o gamutin ang kumplikasyon sa bato ng malignant hypertermya, ang 3 gramo ng mannitol ay kinakailangan para tunawin ang 20 mg ng IV. Ang Dantrium ay dapat isaalang-alang. Ang Dantrium/ Dantrolene sodium ay may potensyal na magdulot ng hepatotoxicity, at hindi dapat gamitin sa mga kondisyon bukod sa inirekomenda. Ang sintomatikong hepataitis (nakamamatay at hindi) ay naiulat sa iba't ibang dosis ng gamot. Ang mga insidenting naiulat na ang mga pasyente ay umiinom ng hanggang 400 mg/araw ay mas kaunti kaysa sa mga umiinom ng 800 mg o higit pa kada araw. Kahit ang mga hiwa-hiwalay at maikling paggamit ng mas mataas na dosis habang naggagamot ay naitalang mas mataas ang panganib na magdulot ng matinding hepatitis. Ang hindi maayos na paggawa ng atay na makikita sa mga abnormalidad sa kemikal ng dugo (pagtaas ng ensaym ng atay) ay naobserbahan din sa mga pasyenteng gumamit ng Dantrium sa iba't ibang panahon. Ang obert na hepataitis ay nangyari sa magkakaibang agwat pagtapos magsimula ng terapiya, ngunit nakitang mas madalas tuwing ikatlo hanggang ikalabindalawang buwan ng terapiya. Ang panganib ng sugat na hepatik ay napag-alamang mas madami sa babae, sa mga pasyenteng higit 35 ang edad, at sa mga pasyenteng umiinom ng ibang gamot bukod pa sa Dantrium/Dantrolene na sosa. Ang Dantrium ay dapat lamang gamitin kapag may kasamang tamang pagmomonitor ng gawaing hepatik kasama ang madalas na pag-alam ng SGOT o SPGT.

Ang nakamamatay at hindi nakamamatay na sakit sa atay na may uring idiosinkratik o sobrang sensitibo ay maaari ring mangyari sa terapiyang Dantrium. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».