Daptacel

Sanofi-Aventis | Daptacel (Medication)

Desc:

Ang Daptacel/Tetanus toxoid ay isang gamot na ginagamit upang maiwasan ang seryosong sakit tulad ng Dipterya, Tetanus, at Pertusis sa mga batang edad anim na linggo hanggang anim na taon (bago maabot ng bata ang kanyang ika-pitong taong kaarawan). Ang Daptacel ay itinuturok sa sa kalamnan ng isang tagapagbigay ng serbisyong medikal sa ospital o opisinang medikal. Ang Daptacel ay ibinibigay sa sunod-sunod na turok, depende as abiso ng doktor sa bata. ...


Side Effect:

Kasama ng ibang kinakailangang epekto nito, ang Daptacel ay maaari ring magdulot ng matinding epekto tulad ng :reaksyong alerdyi tulad ng - pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan,pamamaga ng labi, dila, o mukha; matinding pagkaantok; pagkahimatay; pagkaabala, pagkairita, pag-iyak ng isang oras o mas matagal; sumpong; o mataas na lagnat. Kung ikaw ay may mapapansing kahit ano sa mga ito sa iyong anak, dalhin siya para mapatingin.

Ang mga hindi matinding epekto nito ay:katamtamang lagnat or ginaw; pamumula, sakit, paninigas, o pamamaga ng parteng pinagturukan; katamtamang pagkaabala o pag-iyak; pagsakit ng kasu-kasuan, sakit ng katawan; kawalan ng gana kumain; o katamtamang pagduwal, pagtatae, o pagsusuka. ...


Precaution:

Bago tumanggap ng Daptacel, sabihin sa doktor lahat ng naging bakuna ng iyong anak na katatanggap pa lamang, lahat ng kanyang alerdye, sakit at kung nag iyong anak ay mayroong:sakit sa pagdurugo o pamumuo ng dugo tulad ng hemopilya o madaling pagpapasa; kasaysayan ng sumpong; sakit sa utak; mahinang immune system na dulot ng sakit, pagpapalit ng utak ng buto, o paggamit ng mga gamot o pagtanggap ng gamot sa kanser; kung ang bata ay tumatanggap ng pampalabnaw ng dugo tulad ng warfarin; o kung wala pang apat na linggo mula ng tumanggap ang bata ng huling DTaP na bakuna.

Kung sinumang bata ang magkaroon ng ensepalaitis o sakit sa utak o sistemang nerbos loob ng 7 araw matapos ang dosis ng DTaP ay hindi na maaaring makatanggap ng isa pa. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».