Darbepoetin Alfa Injection

Amgen | Darbepoetin Alfa Injection (Medication)

Desc:

Ang turok ng Darbepoetrin Alfaayginagamit na panggamot sa anemya (mababang bilang ng pulang selula ng dugo) sa mga taong mayroong pangmatagalan at malubhang sakit sa bato (malubhang pagpapalyang renal) at mga taong tumatanggap ng kemoterapya para sa ilang uri ng kanser (hindi myeloyd na kanser). Ang gamot na ito ay ibinibigay sa pamamagitan ng pagturok sa balat o ugat, kadalasan ay isang beses sa isang linggo o ayon sa direksyon ng doktor. Ang mga pasyenteng nag-hihemodyalisis ay dapat turukan sa ugat kung tatanggap ng gamot na ito. ...


Side Effect:

Ang matinding reaksyong alerdyik ng gamot na ito ay madalang mangyari. Ngunit maghanap agad ng tulong-medikal kapag may napansin sa sintomas ng matinding reaksyong alerdyik, tulad ng:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo na ng mukha,/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. Ang Darbepoetin alfa ay maaaring magdulot o magpalala ng altapresyon, lalo na sa mga taong may matagal ng pagpapalya ng bato. Ang sakit ng ulo, sakit ng katawan, pagtatae, at iritasyon sa parte ng tinurukan ay maaaring maganap. ...


Precaution:

Limitahan nag pag-inom ng alak dahil ang alak ay maaari ring magpataas ng posibilidad ng sumpong. Bago gamitin ang Darbepoetin alfa, sabihin sa doktor o parmaseutiko kung ikaw ay alerdyik dito; o sa ibang gamot na nagpaparami sa bilang ng pulang selula ng dugo (halimbawa:epoetin alfa); o sa mga produktong may lamang polysorbeyt o albumin ng tao o sa lateks o kung may iba ka pang alerdyi. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».