Darunavir
Janssen Pharmaceutica | Darunavir (Medication)
Desc:
Ang Darunavir ay isang antiviral na gamot sa grupo ng mga gamot ng HIV na kung tawagin ay protease inhibitors. Ang Darunavir ay pinipigilan ang pagdami ng selula ng human immunodeficiency virus (HIV) sa iyong katawan. Ang Darunavir ay ginagamit upang gamutin ang HIV, na sanhi ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Ang Darunavir ay hindi lunas sa HIV o AIDS. ...
Side Effect:
Ang mga seyosong epekto nito ay maaring:lagnat, pamamaga ng lalamunan, at sakit ng ulo na may kasamang matinding pagpapaltos, pamamalat, at mapupulang pantal sa balat; ang unang senyales ng kahit anong pamamantal, kahit gaano man ito kababaw; kadalasang pag-ihi at lubos na pagkauhaw; senyales ng mga bagong inpeksyon, tulad ng lagnat o ginaw, ubo, trangkaso, madaling pagpapasa o pagdurugo; matinding sakit sa kanang taas ng tiyan na umaabot hanggang likod; pagduduwal at pagsusuka, mabilis na tibok ng puso; o pagduduwal, mababang lagnat, kawalan ng gana sa pagkain, madilim na kulay ng ihi, kulay-putik na dumi, jaundice (paninilaw ngbalat o mata).
Ang mga hindi masyadong epekto ay:pagtatae, pagmamanas, pag-iba ng tiyan, katamtamang sakit ng tiyan; sakit ng kalamnan; panghihina; o pagbabago sa hugis o lokasyon ng taba sa katawan (lalo na sa mga braso, binti, pisngi, leeg, suso, at baywang). Humingi agad ng tulong-medikal kapag ikaw ay nagkaroon ng kahit anumang senyales ng reaksyong alerdyi:pamamantal; hirap sa paghinga; pamamaga ng mukha, labi, dila, o lalamunan. ...
Precaution:
Bago gamitin ang gamot na ito, sabihin muna sa doktor kung mayroon ka ng kahit anong uri ng alerdye, o kung mayroon ka ng malubhang sakit sa atay. Ang ibang gamot ay nagbabanta sa buhay kapag ininom kasabay ang Darunavir. Huwag inumin ang Darunavir kasama ang:alfuzosin; cisapride; pimozide; lovastatin o simvastatin; rifampin; sildenafil; St. John's wort; trialozam o oral midazolam; o gamot ng ergot.
Sabihin sa doktor kung mayroon ka ng anuman sa mga kondisyong ito:sakit sa atay (lalo na ang hepataitis o sirosis); diyabetes; problema sa pagdurugo tulad ng hemopilya; mataas na kolesterol o trayglayserayd; o kung ikaw ay alerdyik sa gamot na sulpa. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...