Darvocet

AAI Pharmaceuticals | Darvocet (Medication)

Desc:

Ang Darvocet ay isang gamot na kombinasyon ng propoxyphene at acetaminophen, na parehas na naglalaman ng pampamanhid at pampaginhawa sa sakit na kadalasang matatagpuan sa mga qalang resetang produkto. Ang Darvocet ay ginagamit na panggamot sa malumanay hanggang katamtamang sakit. Inumin ang gamot na ito gamit ang bibig kasama ang isang baso ng tubig, kada 4 na oras, o ayon sa direksyon ng tagapagbigay ng pangkalusugang serbisyo para sa iyong kondisyon. Ang dosis ay nakabase sa kondisyon ng iyong kalusugan at tugon ng katawan sa gamot. Huwag taasan ang dosis o dalasan ang pag-inom ng walang abiso ng doktor. ...


Side Effect:

Ang pinakamadalas na epekto ng Darvocet ay ang pagkahilo, pagkaantok, pagkatahimik, pagduduwal, pagsusuka at hindi makadumi. Kapag ang mga ito ay tumagal at lumala, tumawag sa doktor. Ang mga seyosong epekto nito ay maaring:pamamantal, pangangati, hirap sa paghinga, pagsasara ng lalamunan, pamamaga ng mga labi, dila, o mukha; mabagal na paghinga, mabagal na tibok ng puso; sakit sa dibdib, kapos sa paghinga; pakiramdam na mahihimatay; pagkalito, hindi pangkaraniwang pag-iisip o galaw; sumpong; pagduduwal; sakit sa tiyan; kawalan ng gana sa pagkain, madilim na kulay ng ihi, kulay-putik na dumi, jaundice (paninilaw ngbalat o mata). Kung magkaroon ka ng mga ito, magpatingin na agad ng kalusugan. ...


Precaution:

Bago gamitin ang gamot na ito ay ipaalam muna sa doktor kung ikaw ay mayroong kahit anong uri ng alerdyi. Sabihin sa doktor kung ikaw ay gumagamit ng kahit anong uri ng gamot o kung ikaw ay mayroon o nagkaroon ng alinman sa mga sumusunod na kondisyon:sakit sa utak tulad ng pinsala sa ulo, tumor, o sumpong, problema sa paghinga tulad ng hika, apneya sa pagtulog, at chronic obstructive pulmonary disease (COPD), sakit sa bato o atay, sakit sa pag-iisip/kalooban, personal o pampamilyang kasaysayan ng normal o pag-abuso sa droga at alcohol.

Dahil ang Darvocet ay maaaring magdulot ng pagkaantok at pagkahilo, huwag magmaneho o gumamit ng mabigat na makina hanggang sa masigurong kaya mo ng gawin ito ng ligtas. Bukod pa dito, limitahan ang pag-inom ng alak. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».