Daunorubicin - injection
Unknown / Multiple | Daunorubicin - injection (Medication)
Desc:
Ang Daunorubicin ay para sa mga sumusunod:pagpapababa ng malubhang myelohenyo at limpositik na leukemya; pagpapagaling ng malubhang lympositik na leukemya at malubhang miloyd na leukemya sa mga bata, bilang bahagi ng pamumuhay. ...
Side Effect:
Ilan sa mga matinding epekto ng Daunorubicin na maaaring maranasan, kaya naman kontakin agad ang doktor:reaksyong alerdyi (kasama ang hirap sa paghinga; pagsasara ng lalamunan; pamamaga ng labi, dila, o mukha; o pamamantal); pagbaba ng gawain ng utak ng buto at problema sa dugo (matinding pagod; madaling magkapasa o magdugo; maitim, madugo o matagal lumabas na dumi; o lagnat, ginaw, o senyales ng inpeksyon); kondyestib na pagpapalya ng puso (hirap sa paghinga, retensyon ng tubig, sakit sa dibdib); reaksyon sa tisyu o ugat na malapit sa pinagturukan; pinsala sa atay (sakit ng tiyan, paninilaw ng balat o mata); pagduduwal, pagsusuka, pagtatae, o kawalan ng ganang kumain;pamamaga sa loob ng bibig, lalamunan, o bituka; pamamantal, pangangati; lagnat, ginaw, o iba pang senyales ng inpeksyon; o mataas na lebel ng asidong yurik sa katawan (sakit at hindi maigalaw na kasu-kasuan).
Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay mas maaaring mangyari. Maaari mong patuloy na gamitin ang Daunorubicin, ngunit kausapin ang doktor kung ikaw ay nakararanas ng:pansamantalang paglalagas ng buhok; o kulay pula na ihi sa loob ng 1 o 2 araw matapos ang dosis. ...
Precaution:
Kausapin ang doktor o parmaseutiko tungkol sa mga allergies na maaari kang magkaroon. Ang produktong ito ay maaaring may laman na mga hindi aktibong sangkap, na maaaring magdulot ng reaksyong alerdyi o iba pang problema. Sabihin sa doktor o parmaseutiko ang iyong medikal na kasaysayan, lalo na kung ito ay:problema sa dugo/pagdurugo (halimbawa:anemia, mababang bilang ng selula ng dugo), gota, sakit sa puso (halimbawa:kondyestib na pagpapalya ng puso, iregular na tibok ng puso), sakit sa bato, sakit sa atay, paggagamot gamit ang radyasyon (lalo na sa bandang dibdib).
Huwag magpapabakuna ng walang pahintulot ng doktor, at iwasang makihalubilo sa mga taong kakapabakuna lamang ng bakuna sa polyo gamit ang bibig o bakuna sa trangkaso na sininghot gamit ang ilong. Bago ang operasyon, sabihin sa doktor o dentista na ikaw ay gumagamit ng gamot na ito. Ang pag-iingat ay inaaabiso kapag gumagamit ng gamot na ito sa mga bata dahil sila ay mas sensitibo, lalo na at may epekto ito sa puso. ...