Decadron

Merck & Co. | Decadron (Medication)

Desc:

Ang Decadron ay maraming gamit sa paggagamot ng kanser. Ito ay kinaklasipika bilang glukokortikosteroyd. Ito ay ginagamit bilang panlaban sa implamasyon na gamot, pampaginhawa sa implamasyon sa maraming parte ng katawan; para gamutin o pigilan ang mga reaksyong alerdyi; gamutin ang ilang uri ng di natatablan na sakit, kondisyon sa balat, hika at iba pang kondisyon sa baga; panggamot sa iba't ibang klase ng kanser, tulad ng lukemya, limpoma, at iba't ibang myeloma; para gamutin ang pagduduwal at pagsusuka na may kinalaman sa mga gamot sa kemotirapeya.

Ang Decadron ay ginagamit ring pampagana sa pagkain ng mga pasyenteng may kanser na may malubhang problema sa kawalan ng ganang kumain at para palitan ang isteroyd sa kondisyon ng kakulangang adrenal (mababang produksyon ng isteroyd na inilalabas ng glandulang adrenal). ...


Side Effect:

Ang mga seryosong epekto ay:problema sa paningin; pamamaga; biglang pagbawas ng timbang, kapos sa hininga; matinding depresyon; hindi pangkaraniwang pag-iisip o kalooban, sumpong (kombulsyon); madugo o matagal ilabas na dumi, ubo na may dugo; pankreyataitis (matinding sakit sa bandang itaas ng tiyan na umaabot sa likod, pagduduwal at pagsusuka, mabilis na tibok ng puso); mababang potasa (pagkalito, iregular na tibok ng puso, matinding pagkauhaw, mas madaming ihi, hindi maginhawang binti, panghihina ng kalamnan o panlalata); o mapanganib na altapresyon (matinding sakit ng ulo, malabong paningin, pagtining sa tainga, pagkabalisa, pagkalito, sakit sa dibdib, kapos sa hininga, iregular na tibok ng puso, sumpong).

Ang mga hindi masyadong seryosong epekto ay:problema sa pagtulog (hindi pagkakatulog); pagbabago sa kalooban; tigyawat, tuyong balat, pagnipis ng balat, pagpapasa o pag-iba ng kulay; mabagal na paggaling ng sugat; pagdami ng pawis; sakit ng ulo, pagkahilo, parang umiikot na pakiramdam; pagduduwal, sakit sa tiyan, pamamanas; panghihina ng kalamnan; o pagbabago ng hugis o lokasyon ng taba s akatawan (lalo na sa braso, binti, mukha, leeg, suso, at baywang).

Magpatingin agad kapag naranasan ang alin man sa mga seryosong sintomas ng reaksyong alerdyi:pamamantal, pangangati/pamamaga (lalo ng muka/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga). ...


Precaution:

Sa paggamit ng Decadron, sabihin sa doktor ang tungkol sa iyong niresetang gamot, bitamina, produktong erbal na iniinom. Huwag uminom ng aspirin, o produktong may aspirin liban kung ikaw ay pahintulutan ng doktor. Huwag tumanggap ng kahit anong bakuna ng walang pahintulot ng doktor habang umiinom ng Decadron. Kung ikaw ay umiinom ng Decadron araw-araw, sa matagal na panahon, ang mga seryosong epekto ay maaaring mangyari kapag itinigil mo agad ang pag-inom nito.

Ang paggmit nito habang buntis ay pinapayagan kung ang benepisyo nito ay mas matimbang kaysa sa panganib sa sanggol. Para sa babae at lalaki, huwag magbubuntis habang umiinom ng Decadron. Gumamit ng mapagkakatiwalaang pangkontrol tulad ng kondom habang naggagamot. Kausapin ang doktor kung kelan mas ligtas na magbuntis pagtapos ng terapya. Huwag magpasuso habang umiinom ng Decadron. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».