Decongestant - nasal spray

Procter & Gamble | Decongestant - nasal spray (Medication)

Desc:

Ang pangwisik ay tinukoy na panggamit para sa mga kaso ng mabarang ilong habang may alerdyik raynaytis, kung halimbawa. Ito ay isang natural na solusyon, pang-ayos ng katawan at walang masamang epekto, tama lang na pang-amplag ng ilong. Kahit na ang mga sintomas ay katamtaman lamang, maaari pa rin silang magdulot ng hindi kaginhawan at pagod:barado at masipon na ilong, hirap sa paghinga, pagbahing ng paulit-ulit.

Ang pangangalaga sa ilong ay may mahalagang gampanin sa alerdyik raynaytis :pinapabuti nito ang kalidad ng buhay ng maraming pasyente, binabawasan ang masipong ilong at pagbabara. Bukod pa dito, ang mukosal na pang-ibabaw ay nagbabawas ng mga alerdyen, latak at selular na elementong responsable sa mga implamasyon. ...


Side Effect:

Ang panandaliang parang nasusunog na pakiramdam, pagkirot, pagkatuyo sa ilong, masipong ilong, at pagbahing ay maaaring mangyari. Kung alin man rito ang tumagal o lumala, sabihin agad sa doktor o parmaseutiko. Sabihin agad sa doktor kung alin sa madalang mangyari ngunit seryosong epekto ang maranasan mo:mabagal/mabilis na tibok ng puso, pagkahilo, pagduduwal, sakit ng ulo, pagbabago sa pag-iisip /kalooban, hirap sa pagtulog, pagngangatog, hindi pangkaraniwang pagpapawis, hindi pangkaraniwang panghihina.

Ang napakatinding reaksyong alerdyi sa gamot na ito madalang mangyari. Ngunit, agarang humingi ng tulong medikal kung ikaw ay may mapansing kahit anong sintomas ng reaksyong alerdyi, tulad ng:pamamantal, pangangati/ pagpapawis (lalo ng mukha/dila/lalamunan), matinding pagkahilo, hirap sa paghinga. ...


Precaution:

Bago gamitin ang nasal Decongestant, sabihin muna sa tagapagbigay ng serbisyong-medikal kung ikaw ay mayroong anumang uri ng alerdye. Kung alinman sa mga sumusunod ang mayroon ka, konsultahin ang doktor o parmaseutiko bago gumamit ng produkto:sakit sa puso/ugat, sobrang aktibong teroydeo(hyperthyroidism), diyabetes, altapresyon, hirap sa pag-ihi (dahil sa paglaki ng prosteyt).

Bago ang operasyon, sabihin sa doktor o dentista kung ikaw ay gumagamit ng gamot na ito. Ang pag-iingat ay inaabiso sa paggamit ng gamot na ito sa mga bata na maaaring sensitibo sa mga epekto ng gamot. Suriin ang pabalat ng produkto o kumonsulta sa doktor o parmaseutiko tungkol sa nasal spray kung maaari ba itong gamitin sa mga bata. Habang buntis at nagpapasuso, hindi inirirekomenda ang paggamit ng gamot na ito ng walang pahintulot ng doktor. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».