Delavirdine

Pfizer | Delavirdine (Medication)

Desc:

Ang Delavirdine ay isang antiviral na gamot na pinipigilan ang selula ng human immunodeficiency virus (HIV) sa pagdami sa iyong katawan. Ang Delavirdine ay ginagamit na panggamot sa HIV, na nagiging sanhi ng acquired immunodeficiency syndrome (AIDS). Ang Delavirdine ay hindi lunas sa HIV o AIDS. Ang Delavirdine ay direktang pinagbabawalan ang mga gawain ng reverse transcriptase at pinipigilan ang produksyon ng DNA at mga bagong mikrobyo. Hindi katulad ng Zidovudine, ang Delavirdine ay hindi kinakailangang gawing isang aktibong porma at hindi ito nakikipaglaban sa compound (thymidine triphosphate) na kinakailangan ng mikrobyo ng HIV para makagawa ng bagong DNA. Ang Delavirdine ay hindi pumapatay ng mga kasalukuyang mikrobyo ng HIV, at hindi ito lunas sa HIV. ...


Side Effect:

Mayroong ilang epekto na maaring mangyari matapos gamitin ang gamot na ito tulad ng: pagtatae, sakit ng ulo, o pagkapagod. Kung alinman sa mga epektong ito ang tumagal o lumala, sabihin agad sa doktor o parmaseutiko. Maraming mga taong gumagamit ng gamot na ito ang hindi nakararanas ng seryosong epekto. Sabihin agad sa doktor kung alinman sa mga madalang mangyari ngunit seryosong epekto ang maranasan mo: pagbabago sa pag-iisip/kalooban (tulad ng depresyon), senyales ng problema sa atay (tulad ng patuloy na pagduduwal, pagsusuka, sakit ng tiyan, matinding pagkapagod, paninilaw ng mata/balat, madilim na kulay ng ihi). Ang pagbabago sa mga taba sa katawanan ay maaaring magbago habang gumagamit ng gamot na ito(tulad ng pagdami ng taba sa bandang taas ng likod at tiyan, pagkaunti ng taba sa braso at binti). Ang sanhi at pangmatagalang epekto ng mga pagbabagong ito ay hindi pa tiyak. Pag-usapan ang panganib at benepisyo ng paggagamot na ito kasama ang iyong doktor, pati na rin ang posibleng gamit ng ehersisyo para mabawasan ang epektong ito. Ang Delavirdine ay karaniwang nagsasanhi ng pamamantal na hindi naman malubha. Ang pamamantal ay maaaring maganap mula sa 1 hanggang 3 linggo pagkatapos mong magsimula sa paggagamot ng Delavirdine. Ito ay pangunahing nakikita sa bandang taas ng katawan at binti, pero maaari ring makita sa leeg at mukha. Pagtapos ng konsultasyon sa doktor, karamihan sa mga tao ang pwede ng ipagpatuloy ang paggagamot ng Delavirdine at gamutin ang pamamantal kung hindi naman malala. Ang mga pantal na ito ay kadalasang hindi nagtatagal ng hindi bababa sa 2 linggo. Ngunit ang isang malubhang pamamantal na may senyales ng matinding reaksyon ay nangangailangan ng agarang atensyong medikal. ...


Precaution:

Huwag inumin ang Delavirdine kasama ang pimozide, alprazolam, midazolam, triazolam, o ergot na gamot tulad ng dihydroergotamine, ergonovine, ergotamine o methylergonovine. Ang mga gamot na ito ay maaaring magkaroon ng nakamamatay na epekto kapag ginamit mo kasabay ang Delavirdine. Marami pang mga gamot ang maaaring makisalamuha sa Delavirdine, o gawin itong hindi masyadong epektibo. Sabihin sa iyong doktor lahat ng iyong gamot na iniinom na may reseta o wala. Kasama rito ang mga bitamina, mineral, produktong herbal, at gamot na prineskriba ng doktor. Huwag uminom ng bagong gamot ng hindi sinasabi sa doktor. Ang HIV/AIDS ay kadalasang ginagamot sa kombinasyon ng iba't ibang gamot. Para gamutin ang iyong kondisyon ng pinakamainam, gamitin ang lahat ng gamot ayon sa direksyon ng doktor. Huwag baguhin ang iyong dosis o oras ng paggagamot ng walang abiso sa doktor. Lahat ng tao na may HIV/AIDS ay dapat manatili sa pangangalaga ng doktor.

Iwasang magkaroon ng hindi protektadong pakikipagtalik o paghihiraman ng karayom, pang-ahit, o sipilyo. Ang paggamit ng gamot na ito ay hindi makapipigil sa pagpasa ng HIV sa ibang tao. Kausapin ang doktor tungkol sa ligtas na mga paraan para hindi maipasa ang HIV habang nakikipagtalik. Ang paghihiraman ng gamot o pangmedikal na karayom ay hindi kailanman magiging ligtas, kahit na sa isang malusog na tao. ...





You can connect with us directly at anytime

You can connect with us through any social network (LinkedIn, Facebook, X/Twitter) - or else Easy & Quick way to connect via email us at « contact@iValueHealth.NET ».